9-anyos na babae, pinagsamantalahan umano ng lalaking kinakasama ng kaniyang lola

9-anyos na babae, pinagsamantalahan umano ng lalaking kinakasama ng kaniyang lola

0
58
9-anyos na babae, pinagsamantalahan umano ng lalaking kinakasama ng kaniyang lola Note: the photo is not the actual photo of the victim / to protect her privacy

Nakaranas umano ng trauma ang isang babaeng siyam na taong gulang dahil sa pang-aabusong ginawa ng 63-anyos na lalaki na kinakasama ng kaniyang lola sa San Carlos City, Pangasinan.

Sa ulat ni Russel Semorio sa GMA Regional TV “Balitang Amianan” nitong Huwebes, sinabi ng biktimang itinago sa pangalang “Angelica,” na naglalaro siya sa labas ng kanilang bahay nang tawagin ng suspek.

Isinama raw siya ng suspek sa isang bahay-kubo na nasa gitna ng talahiban at doon na pinagsamantalahan.

Labis naman ang galit ang nararamdaman ng ina ng  biktima sa sinapit ng kaniyang nag-iisang anak.

Noong Hunyo raw nagsimula ang panggagaha sa kaniyang anak.

Nais niyang mahuli at makulong ang suspek para pagbayaran ang ginagawang kasalanan sa kaniyang anak.

Ang lola ng biktima, nais din na managot ang kaniyang na kinakasama na marami na rin daw kasalanan sa kaniya.

Pero nakaalis na raw ng kanilang bahay ang suspek.

Naipa-blotter na ng pamilya sa kanilang barangay ang insidente at magsusumbong na rin daw sila sa pulisya.

Panawagan naman ni Police Major Virgio Cruz, Deputy Chief ng San Carlos Police, dapat isumbong kaagad sa kanila ang reklamo para maaresto at masampahan ng demanda sa lalong madaling panahon ang suspek.-

source: FRJ, GMA News

Comments

comments