top
Pumalo muli sa bagong record-high na P16.09 trilyon ang utang ng Pilipinas nitong Nobyembre 2024, batay sa datos ng Bureau of the Treasury #BTr.
Ito ang ikatlong magkakasunod na buwan na tumaas ang national government debt ng bansa.
Paliwanag ng BTr, tumaas nang 0.4% ang total outstanding debt dahil sa net financing at sa epekto ng paghina ng piso sa halaga ng foreign-currency-denominated debt.
Nasa 67.87% ng utang ng bansa ang mula sa domestic securities, habang nasa 32.13% ang mula sa external obligations o perang inutang sa ibang bansa.
source: tv5
inline
Comments
favhosting.com bottom
