ABS-CBN ginawang dummy ang AMCARA para makapag broadcast

ABS-CBN ginawang dummy ang AMCARA para makapag broadcast

0
1443
ABS-CBN ginawang dummy ang AMCARA para makapag broadcast

Nabunyag sa isinagawang ABS-CBN franchise hearing sa Kamara na walang technical capability ang AMCARA Broadcasting Network.

Ang AMCARA Broadcasting Network ay ang digital Channel 43 kung saan umeere ang mga programa ng ABS- CBN sa TV plus.

Depensa ng ABS-CBN, blocktimer lamang sila sa AMCARA at hindi nila pagmamay-ari ang kumpanya.

Subalit napag-alaman sa hearing na walang technical capabilities ang AMCARA para sa digital broadcast.

Ayon sa National Telecommunications Commission o NTC makapagbebenta lamang ng airtime ang isang broadcaster kung mayrooon silang sariling tower, broadcast facilities at personnel.

Natukoy din mismo ng NTC na mula sa tower ng ABS-CBN sa Quezon City nagmumula ang signal ng Channel 43 ng AMCARA.

Dahil dito, nais ng mga mambabatas na papasukin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa eksena upang malinawan ang lahat hinggil dito.

Iginiit pa ng mga mambabatas na malinaw na ginawang dummy ang AMCARA para makapag-broadcast ang ABS-CBN gamit ang ibang prangkisa.

source: smni news

Comments

comments