Home Careers Birthday message ni De Lima kay Pang. Duterte: “Patawarin ka sana ng...

Birthday message ni De Lima kay Pang. Duterte: “Patawarin ka sana ng ating Pong May Kapal sa lahat ng iyong mga kasalanan”

Birthday message ni De Lima kay Pang. Duterte: "Patawarin ka sana ng ating Pong May Kapal sa lahat ng iyong mga kasalanan"

0
1595

Kahit naka bilanggo ay may mensahi si senadora Leila De Lima sa ika 73 anyos na kaarawan ng ating pangulong Rodrigo Duterte, nitong Miyerkules, Marso 28, pinili ng pangulo na ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa kanyang bayan sa davao city.

Si pangulong Rodrigo Duterte ang pinakamatanda na naging pangulo ng bansang pilipinas.

Kamakailan ay pinayagan ng korte si De lima na maka pa check-up (hospital arrest) pansamantala sa hospital.

“Patawarin ka sana ng ating Pong May Kapal sa lahat ng iyong mga kasalanan” – ito ang mensahi ni De lima para sa kaarawan ng pangulo.

Dagdag pa ni de lima: “Ito na ang aking ikalawang taon na hindi ako makakauwi sa amin para gunitain ang Semana Santa, bunsod ng di-makatarungang pagpapakulong sa akin ng rehimeng Duterte. Subalit sa kabila ng pampulitikang panggigipit,nananatili ang aking tatag ng loob at payapang pag-iisip bunga ng panalangin.”ito ang saad ni De lima sa kanyang liham.

“Dahil sa walang humpay ng suporta sa akin ng aking pamilya at ng mga tao at sa awa ng Diyos, patuloy akong lalaban para sa katotohanan. At kahit pa mas pinili ng pangulo ang malasing sa sa kapangyarihan kaysa unahin ang pagsisilbi sa bayan, naniniwala ako na isang araw, gigisingin din siya ng ating Panginoon.”dagdag pa niya.

“Sa kanyang darating na kaarawan, nawa’y matamo niya kapayapaan ng isip, kalusugan ng katawan, at marangal na pamumuno. Nawa’y mapaunlad niya ang ating bayan, maipakulong niya ang dapat makulong, palayain ang dapat palayain, bigyan ng hustisya ang naaapi, at itigil ang walang saysay na pagpatay.”pahayag pa niya.

“Pinapatawad ko na siya sa lahat ng kasalanan niya sa akin. Patawarin din sana siya ng ating Poong May Kapal at pagpalain nawa siya. Maligayang kaarawan, Mr. President!”

source

Comments

comments