Bishop David to drug war killers, supporters: Your names are written in Hell!

0
4172
Bishop Pablo Virgilio David / Photo from Rappler

Kilala bilang isa sa mga vocal opposition ng War on Drugs ng Pangulo, muli na namang nagpasaring si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa mga nag – uutos at pumapatay di – umano sa mga biktima ng illegal na droga sa halip na iligtas ang mga ito at ipagtanggol pa ang karapatang pang – tao.

Ayon sa mahaba nitong litanya, hiniling ng Obispo na nawa’y ‘dumanas ng kasawian’ ang sinumang sumasang – ayon sa pagpatay ng kapwa partikular na sa mga supporters umano ng War on Drugs at ang hindi – makataong pagtrato sa mga ‘adik’.

ALSO READ: Simbahan at NPA, maaring magsanib pwersa para patalsikin si Duterte – Roque

Aniya, “Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatang husgahan ang mga taong may karamdaman? Sinasabi ninyong may pagpapahalaga kayo sa kinabukasan ng mga kabataan ng bansang ito. Anong kinabukasan ang naghihintay sa kanila kung mamamatay rin lamang sila sa mga eskinita matapos ang “opisyal na operasyon ng pulisya?”

Talamak sa nangyayaring ‘extra – judicial killings’ ang Diocese of Caloocan kung saang kasalukuyan itong pinanghahawakan ni Bishop David partikular na halimbawa na ang sinapit ng 17 – taong gulang na si Kian Loyd Delos Santos sa mga kamay ng di – umano’y mga abusadong Pulis.

Naitalaga bilang Obispo ng San Fernando Pampanga si David noong July 10, 2006 hangga’t sa malipat na nga ito sa Caloocan.

Narito ang ilan sa litanya ni Bishop David na naibahagi din ng Veritas 846 Radio Totoo sa kanilang website:

“Ang salita ng Panginoon ay ipinahayag sa akin nang ganito: “Anak ng Tao, itinalaga kita bilang tagapagbantay ng aking bayan. Ipagsigawan ito mula sa ituktok ng kanilang mga tahanan!”

ALSO READ: Simbahan at NPA, maaring magsanib pwersa para patalsikin si Duterte – Roque

“Dumanas nawa kayo ng kasawian, kayong mga tumatawag na “Kristiyano” sa sarili ngunit wala mang lamang ni katiting na pagpapahalaga sa buhay ng mga biktima ng pagpatay, o kahit sa mga paring pinapapatay. Nagagawa pa ninyong makatawa kahit niyuyurakan na ang inyong pananampalataya at tinatawag na tanga ang Diyos! Kayong mga bulag na hibang! Nagsisimba pa mandin kayo para makinig sa Salita ng Diyos; pumipila sa Komunyon para matanggap ang Kordero ng Diyos na namatay para sa mga makasalanan, ngunit hinahayaan ni’yo namang mapatay ang mga pinag-alayan Niya ng buhay!”

ALSO READ: Simbahan at NPA, maaring magsanib pwersa para patalsikin si Duterte – Roque

Source:  politics.com.ph

Comments

comments