Ito ang pagbabago ng administrasyong Duterte kaysa nakaraang administrasyon, kung saan sa unang pagkakataon, pumalo ang koleksyon ng Government Excise Tax na umabot ng P22.1 Billion na nahigitan ang target na P20.5 Billion.
Ngayong Enero 2018, naka kolekta ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng P22.1 Billion at ayon sa datos ang pinakamataas na koleksyon ay nanggagaling sa sigarilyo, habang noong nakaraang taon ay P12.152 Billion lamang ang koleksyon.
Kung ating iisipin ito ay naayon sa TRAIN LAW, kung saan ang mga sigarilyo, at mga matatamis na mga pagkain ay may malaking tax, habang ang mga ordinaryong mamamayan na kumikita lamang ng sapat ay walang babayarang tax.
Ito ang dapat isipin ng mga skolar ng bayan kung saan ang excise tax na ito ay magagamit na pundo sa kanilang pag-aaral.
Comments are closed.