CONFIRMED! Mocha Uson, Tatakbo ngayong darating na Halalan

0
1775

Sa facebook post ni mocha uson, ina nunsyo nito na tatakbo siya sa darating na halalan, pinag iisipan niya kung congresso o sa senado, pero maraming OFW’s na nais na gusto siya siya tumakbo sa senado upang makaboto ang mga OFWs.

narito ang pahayag ni mocha uson.

TATAKBO PO AKO

Linawin ko lang po mga kaDDS. Hindi pa po final kung sa Kongreso o Senado po ang ating pagtakbo. Ngunit sigurado po na tayo ay tatakbo dahil kailangan ng kasangga ni Pangulo sa Legislative branch.

Hinihingi ko pa po ang payo sa ating mga kaibigan. Pati na rin po sa Pangulo. Basta po sa ngayon final na po na tayo ay tatatakbo dahil napakahalaga na meron pong magtutulak ng programa ng Pangulo natin sa Lehislatura. Marami pong pagbabago ang hindi maipatupad dahil sa mga batas na hindi binibigyang prayoridad ng mga mambabatas natin. Tulad po ng aking sinabi dadalhin ko ang laban natin sa Kongreso o sa Senado.

Kung ano at saan man ang final na decision ko po, gusto ko lang malaman ninyo na ito ay resulta ng siryoso at malalim na pag aaral. Hindi po ambisyon ang nagtutulak sa akin para gawin ito, kundi ang pagnanais na makatulong sa bayan at dahil gusto ninyo magka boses sa Lehislatura.

Umaasa po ako na sana, maski ano ang maging desisyon ko, patuloy po tayong magka-kasama sa pag supporta kay Pangulong Duterte. MARAMING SALAMAT sa mga patuloy na sumusuporta. Mabuhay ang Pilipinas!

 

SHARE YOUR OPINION

Comments

comments