Davao City: Chocolate Capital of the Philippines

Davao City: Chocolate Capital of the Philippines

0
2630

Pilipinas ay nakikipagsabayan na rin sa produksyon nito?

Ito ang ipinagmamalaki ng mag-inang Charita at Rex Puentespina ng Malagos Chocolate.

Mula sa pagtatanim ng cacao at pagbebenta ng raw cacao beans, inaral ng mag-ina ang proseso para gawin itong tsokolate na tinatawag nilang “value-adding”.

Nagmula sa pamilya ng mga negosyante si Charita. Iba’t-ibang negosyo na rin ang kanyang hinawakan. Nang makita niya ang taniman ng buko at cacao sa katabing lupa nila, naisipan niya itong kunin at palaguin.

Higit sa kita, adbokasiya ng pamilya Puentespina na makilala hindi lang sa Pilipinas ang Pinoy tsokolate kungdi sa buong mundo.

Katunayan, iba’t-ibang paligsahan sa ibang bansa ang kanilang sinalihan. Isa na rito ang prestihiyosong “Academy of Chocolates” kung saan limang award ang kanilang naiuwi ngayong taon.

Nagtayo rin ang pamilya Puentespina ng kauna-unahang chocolate museum sa bansa na matatagpuan sa loob ng kanilang garden resort sa Davao City.

Handog nila ang “tree-to-bar-experience” kung saan makikita ang prosesong pinagdadaanan sa paggawa ng kanilang award-winning na tsokolate.

source: abs-cbn

Comments

comments