Sen. Leila de Lima naghain ng Senate Bill (SB) No. 1699 o ang panukalang Human Rights Defenders Act of 2018 upang mabigyan ng proteksyon ang mga Human Right workers sa mga batikos at mga maling pagtrato sa kanila sa ilalim ng Duterte Administration
Ayon sa senadora, isa sa mga dahilan ng kanyang paghain ng batas ay ang pag-utos umano ng pangulo na barilin ang mga human rights worker kung saan pwedeng magdulot ng panganib sa mga ito:
“Sa simula pa lamang po ng administrasyong Duterte, mahigit isang taon at kalahati na ngayon, ay nasaksihan na natin kung paano ininsulto at hinamak ang konsepto ng karapatang pantao,”
(c) Boysen Fajardo Cestina