Divorce bill, lusot na sa komite sa Kamara

Divorce bill, lusot na sa komite sa Kamara

2
1528
torn piece of paper with divorce text and paper couple figures

Aprubado na ng House committee on population and family relations ang consolidated absolute divorce and dissolution of marriage bill.

Ito’y mula sa pinagsama-samang apat na magkakahiwalay na panukala ng mga kongresista

Walang tumutol sa botohan sa komite nang magmosyon si Isabela Rep. Ma. Lourdes Aggabao para ipasa ang bill.

Ginamit na grounds dito ang kasalukuyang mga basehan sa ilalim ng batas para sa legal separation at annulment o nullification of marriage.

Kabilang diyan ang pambubugbog, pagpilit sa asawa na magpalit ng relihiyon at political affiliation, alcoholism, drug addiction at anim na taong pagkakulong habang isinama na din ang chronic gambling.

Puwede na ding mag-diborsiyo kung limang taon nang hindi nagsasama ang mag-asawa.

Makakapag-avail ng serbisyo ng court appointed lawyer, social worker, psychiatrist at psychologist ang indigent divorce petitioner. Libre din ang filing fee kung indigent.

Base sa proposal ni Speaker Pantaleon Alvarez, ituturing na indigent ang isang petitioner kung ang kabuuang halaga ng ari-arian nito ay nasa 5 milyong piso lamang o mas mababa pa dito.

Magkakaroon din ng summary proceeding para mapabilis ang proseso ng diborsyo.

Sa usapin ng alimony, nagtakda ng option ang komite na pwede itong bayaran ng one-time payment o periodic payment depende sa kasunduan ng magkabilang panig at kakayahan ng partido na kailangang magbayad nito.

Inaasahang ia-akyat ang divorce bill sa plenary sa susunod na linggo. Target ng Kamara na maipasa sa huling pagbasa ang panukala bago ang Holy Week break ng Kongreso sa Marso.

source

Comments

comments

Comments are closed.