Duterte, Bibili Na Ng 23 Attack Helicopters

Duterte, Bibili Na Ng 23 Attack Helicopters

1
3709
photo fom citizenexpress.today

Matalino talaga ang ating pangulo, laganap ang balitang hindi na umano makikipag peace talk ang pangulo sa mga News People’s Army o NPA, at ngayon ay Bibili ang ating pamahalaan ng 23 Attack Helicopters.

Itoy na yata ang umpisa ng paghahanda at seryosong banta laban sa mga New People’s Army. Ipinahayag ng pangulo ang pagbili ng mga ito,sa kanyang pagbisita sa mga sugatang sundalo sa Fort Bonifacio, ibinunyag niya na bibili ang gobyerno ng 23 na attack helicopters.

“May papuntahin ako mga opisyal ng militar doon sa ibang lugar para mag-negotiate kaagad. Kung mahirapan tayong maghingi, nakakahiya naman palagi sige hingi, mag-utang tayo, payable in 25 years ng soft loan ng armas, pero baka magkaroon kayo ng bagong klaseng armas but as equally deadly. Malaman natin ‘yan in the next.. I am in a hurry. Maybe next year, mailantad ko na ‘yung ano, Meron tayong acquisition na 23 attack helicopters, ‘yun suficiente na ‘yan for a… ‘yung mga rebellion-rebellion. So lahat ng bibilhin ko para sa inyo, puro bago. Wala nang purchases ang, sa panahon ko, ‘yung Armed Forces pati police na second hand. Bago lahat at gagastos tayo,” sabi ni Pangulong Duterte

Kamakailan lang ay nagbanta si Presidente Duterte sa mga NPA dahil sa pagpaslang ng mga ito sa 4 na buwang sanggol sa isang ambush. Ayon sa Presidente, ihahanay niya raw bilang terrorist group ang mga bandidong NPA. Ang NPA ay nagka-kampo sa kabundukan kaya isang magandang desisyon ang pagbili ng mga attack helicopters para lubusan na mapulbos ang mga ito. Makakatulong ng husto ang mga helicopters para magkaroon ng air superiority ang ating militar lalo na sa mga masukal na kagubatan.

Comments

comments

Comments are closed.