Sa harap ng patuloy na pambabatikos at pagpuna ng iilang Senador sa pamamalakad nito sa bansa, ‘PAALISIN o TANGGALIN’ na ang tanging panawagan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ‘arogante, mayayabang, at mapuputak’ na mga ito.
Alam ng Pangulo na batid na ng taumbayan ang mga pinariringgan niyang personalidad kaya’t hindi na niya ito pinangalanan. Giit pa nito, WALA namang matitinong nagawa ang mga ito para sa ikabubuti ng bansa at ng mga Pilipino.
“The others should be replaced. They are noisy and arrogant. Anyway, what have they done for our country?,” ayon sa Pangulo.
Sa kanyang talumpati, ibinida nito ang Davao City kung saan matagal itong nanungkulan bilang Alkalde ng siyudad upang maipagmalakai niya sa mga kritiko ang disiplina na itinakda nito sa mga Davaoeño at ang pagpapahalaga ng mga ito pagdating sa ‘Peace and Order’ ng kanilang lugar.
Inaanyayahan niya ang mga kritikong mahilig makisawsaw at bumida para mismong masilayan ang kaayusang tinutukoy nito.
“Visit Davao. Go around Davao for 24 hours. Inday imposed a rule that nobody is allowed to be out and about on the streets by 12 midnight. Everyone will be arrested. So everybody stays at home. Davao is so quiet. Everybody feels like Good Friday,” sabi ng Pangulo.
BATO – BATO SA LANGIT – Kagaya ng inaasahan, ang kampo ni Magdalo Representative Gary Alejano ay tila natamaan sa pahayag na ito ng Pangulo. Sa kanyang Facebook na ‘Gary Alejano For Senator Movement 2019’, ibinahagi nito ang balitang nagtampok sa sinabi ng Pangulo para lamang makakuha ng simpatiya mula sa mga supporters nito.
Marami namang Netizen ang nakisawsaw sa naturang post na animo’y pawang ‘kawang – gawa’ lamang ang karamihan sa mga nakikisali sa mga pakulo na ito ng opisyal.
Kabilang si Alejano sa hanay ng mga Senador kagaya nila Senator Antonio Trillanes IV at ang nakabilanggong Senator Leila De Lima bilang mga ‘vocal critics’ ng Pangulo.