Eddie Garcia nagkamalay na, ililipat ng ospital

Nagkamalay na umano si veteran actor Eddie Garcia matapos mag-collapse sa taping sa Tondo, Maynila nitong Sabado.

0
3469

Nagkamalay na umano si veteran actor Eddie Garcia matapos mag-collapse sa taping sa Tondo, Maynila nitong Sabado.

Ayon sa ulat, itinakbo siya sa Mary Johnston Hospital sa Tondo at kalaunan ay ililipat sa St. Luke’s Hospital sa Quezon City.

Natumba umano si Garcia at nawalan ng malay dahil sa matinding init sa taping site.

Ayon sa pahayag ng kaniyang pamilya, dumanas ang aktor ng “severe heart attack” habang nasa taping.

Kinarga siya ng mga staff at agad dinala sa pinakamalapit na ospital.

Nagdesisyon naman ang mga doktor na ilipat ang aktor sa mas malaking ospital sa Quezon City matapos ma-coma.

Habang isinusulat ito ay nagkamalay na ang 90-anyos na aktor, ayon sa News5 report.

source: abante

Comments

comments