Facebook Fact-checker Ellen Tordisillas, sangkot umano sa Oust-Duterte Plot, ayon sa Malacañang

Facebook Fact-checker Ellen Tordisillas, sangkot umano sa Oust-Duterte Plot, ayon sa Malacañang

0
437

Kinumpirma ng palasyo ang Oust-Duterte Matrix na inilathala ng Manila Time kani-kanina lang. Ayon sa palasyo, ang parehas na impormasyon ay ilalabas din daw ng Malacañang ngayong araw.

Nakapaloob sa nasabing matrix ang mga impormasyon tungkol sa ilang media groups na kasabwat sa pagpapabagsak sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ilan sa mga sangkot na media organizations sa matrix ay ang Vera Files, Rappler at Philippine Center for Investigatice Journalism (PCIJ). Kasabwat din daw ang National Union of People’s Lawyers (NUPL). Mapapansin sa itaas na bahagi ng matrix ang pangalan ni Ellen Tordesillas, presidente ng Vera Files at isa sa fact-checkers ng Facebook.

Matatandaang sinabi ni Tordesillas na “professionally done” at “riveting” ang video na nagsasangkot sa pamilya Duterte sa kalakaran ng droga na may pamagat na “Ang Totoong Narco list”. Ang first episode ng mapanirang video series ay nabutasan ng ilang pro-government bloggers dahil sa mga kahina-hinalang dokumento. Mayroon din isang alkalde mula sa Maguindanao ang umalma matapos makita ang kanyang pirma sa video.

Ayon kay Mayor Datu Zamzamin, ninakaw daw ang kanyang pirma para gamitin sa mapanirang video. Matapos ang ilang araw ay binura ng original uploder ang first episode video sa kanyang Youtube channel.

“The source of that (matrix) is from the Office of the President, from the President himself. I don’t know how he got one, but it’s coming from the President,” sabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Hindi pa muna magsasampa ng kaso ang gobyerno. Inilabas ng palasyo ang impormasyon para ipaalam sa publiko ang pinaggagawa ng mga nasabing media groups at ipaalam din sa mga nais magpabagsak sa gobyerno na alam ng pamahalaan ang masamang balak nila.

“Eh basta lumabag na sila. Pag meron na silang overt acts to bring down this government, that’s a different story… Pero kung ito ito lang muna, eh dati dati naman nilang pinagagagawa ito eh hindi naman sila nagsa-succeed. But the public has the right to know. They have to know,” ayon kay Panelo.

Source: INQ | Manila Times | Manila Times | PC | ABS-CBN | PNA | Datu Zamzamin

Comments

comments