Gawang Pinoy: Kauna-unahang gulong na pagmamay-ari ng mga magsasaka “Pilipinas Agila Tires” ibinida ng gobyerno

Gawang Pinoy: Kauna-unahang gulong na pagmamay-ari ng mga magsasaka "Pilipinas Agila Tires" ibinida ng gobyerno

0
602
photo from ndbc

Ibinida ni Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol ang kauna-unahang gulong na pagmamay-ari ng mga rubber farmer sa bansa.

Unang nakipagkasundo ang Philippine Rubber Farmers’s Association sa Leo Tire Manufacturing Corporation para sa mga goma na gagamitin sa paggawa ng mga gulong ng motorsiklo at maliliit na traktora

The manufacturing and marketing of the tires for working motorcycles commonly known as ‘habal-habal’ as well as tricycles marks a small step forward in the program of the Department of Agriculture to elevate the farmer from the status of a raw material producer to the processor and merchandiser of finished products with added value,” ani Piñol.

Ayon kay Piñol, ang gulong ay tatawaging ‘Pilipinas Agila Tires’ na mas mura kumpara sa mga imported na gulong sa merkado.

“Pilipinas Agila Tires, the first farmer-owned motorcycle tire brand using locally harvested rubber cup lumps, will be in the market next month at prices lower than imported tires,” sabi ni Piñol.

Dagdag ni Piñol, ang mga magsasaka na rin mismo ang mag-aalok ng mga gulong sa mga may-ari ng motorsiklo at traktora.

Sa ganitong paraan ay may proteksyon na ang mga magsasaka sa mga negosyante na bumabarat sa presyo ng goma.

Inaasahan naman ng ahensya na magkakaroon ng sariling planta ang mga rubber farmers bago magtapos ang termino ng Pangulo sa 2022.

“The DA projects that before the end of the term of President Duterte in 2022, the country’s rubber farmers will have their own tire manufacturing plant in Mindanao,” ani Piñol.

Nagpapasalamat naman si Piñol sa Pangulo dahil sa pag-suporta sa naturang proyekto.

“We thank President Duterte for his support and we promise him, we will handle this project well and we will move forward and liberate ourselves from the bondage of middlemen and traders who buy our produce at very low prices and sell us expensive tires,” dagdag pa ni Piñol.

[caption width="768" align="alignnone"] photo from tendingph[/caption]

source: philnews

Comments

comments