Good News: Mula Enero 2019, Tatlong International cruise ship na ang dumaong sa Tagbilaran Port, Bohol

Good News: Mula Enero 2019, Tatlong International cruise ship na ang dumaong sa Tagbilaran Port, Bohol

0
1110

TINGNAN: Talagang kapag maayos ang ating mga gateway, ang balik nito ay pag-unlad ng ekonomiya at turismo.

Marso pa lang pero tatlong international cruise ship na ang dumaong ngayong taon sa Tagbilaran Port, ang pangunahing pantalan ng Bohol.

Dumaong nitong Miyerkules, ika-20 ng Marso, ang M/S Europa na may lulang 322 dayuhang turista. Ito ang ikatlong international cruise ship na humimpil sa Tagbilaran Port matapos ang pagbisita ng M/S Europa 2 at M/S Pacific Venus nitong Enero 2019.

Sa unang mga buwan pa lang ng 2019, nakapagtala na ng 129% paglobo sa bilang ng mga dayuhang turistang bumisita sa Bohol. Bukod pa ito sa 20% pagtaas sa domestic passenger traffic. Ang mga ito’y patunay ng lumalakas na turismo sa lalawigan.

Bago nito, ininspeksyon noong Oktubre 2018 nina Transportation Secretary Arthur Tugade, Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago at PMO Bohol Port Manager James Gantalao ang Tagbilaran Port upang siguruhing maayos, malinis at nagdudulot ito ng maginhawang serbisyo sa mga biyahero.

Kaya naman patuloy ang pagpapaunlad ng DOTr, PPA at iba pang ahensya ng gobyerno sa ating mga pantalan gaya ng Tagbilaran Port upang mapaibayo ang connectivity at mobility ng publiko at maiangat ang ating mga lokal na ekonomiya.

#DOTrPH 🇵🇭
#MaritimeSectorWorks
#ComfortableLifeForAll
#PartnerForChange

Comments

comments