GSIS Naglaan ng P2.7-Billion bilang Christmas Cash Gift sa mga Pensioners

GSIS Naglaan ng P2.7-Billion bilang Christmas Cash Gift sa mga Pensioners

1
1507

Ang Government Service Insurance System (GSIS) ay magsisimulang magpalabas ng higit sa P2.7 billion sa Disyembre bilang Christmas cash gift para sa mga pensioners. Ayon sa state-owned pension fund, ang Christmas cash gift na ito ay ibibigay sa mga matatanda at may kapansanan na pensioners.

Ang mga GSIS pensioners na tumanggap noong 2016 ng higit sa P10,000 ay bibigyan ng halagang katumbas ng isang buwan na kasalukuyang pensiyon, ngunit hindi lalampas sa P10,000. Ang mga bagong retirees magmula 2013 hanggang 2017 na nag-avail ng agarang pensyon sa ilalim ng Republic Act 8291, ay makakatanggap ng kanilang cash gift limang taon matapos ang kanilang petsa ng pagreretiro.

Ang mga miyembro na humiwalay sa serbisyo mula 2006 hanggang 2017 bago umabot ng 60 taong gulang at nagsimulang tumanggap ng kanilang regular na buwanang pensiyon sa pagitan ng 2013 at 2017 ay may karapatan sa benepisyo limang taon pagkatapos ng regular na pagtanggap ng kanilang pensiyon.

Samantala, matatanggap ng mga aktibong miyembro ang nararapat na taunang cash benefits simula sa Disyembre 15, ayon sa GSIS.

Comments

comments

Comments are closed.