Guro na si Laarni Villaluz na lumapastangan sa larawan ni Pangulong Duterte, maaaring kasuhan ng libel

Ayon kay dating Senador Juan Ponce Enrile, isang libel ang ginawa ng guro dahil isang paglapastangan ito sa pangulo na ibinoto ng taumbayan sa pinakamataas na posisyon ng bansa.

0
150

MARIING na tinuligsa ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ang guro na nag-post sa social media ng ini-edit na larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tila kumakain ng dog food.

Ayon sa dating senador, isang libel ang ginawa ng naturang guro dahil isang paglapastangan ito sa pangulo na ibinoto ng taumbayan sa pinakamataas na posisyon ng bansa.

Bukod dito, mas mainam din aniya na pagsasampalin ito ng publiko dahil para na rin nitong sinampal ang taumbayan dahil sa ginawa sa ama ng bayan.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay nagtungo si Pangulong Duterte sa pinangyarihan ng dalawang pagsabog sa Jolo kung saan humalik ito sa lupa bilang paggalang sa nasawing mga sundalo at sibilyan.

Agad namang humingi ng paumanhin ang guro na si Laarni Villaluz at nagpahayag na rin ang paaralan na pinagtatrabahuan nito na hindi nila kukunsitihin ang ginawa ng guro kung saan nagsagawa na sila ng ‘administrative action’ laban dito.

source: SMNI NEWS

Comments

comments

Comment Here

Loading Facebook Comments ...
Loading Disqus Comments ...

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

You must fill in your Livefyre SiteID in the Comments Evolved plugin options.