Japan nagbigay ng 500-M yen na tulong para sa proyektong pang-agrikultura at patubig sa Mindanao

0
324
A member of a KI-supported women’s cooperative harvests vegetables from her allotment in a community garden. (photo from heremagazine.com)

Nagbigay ng 500 million yen o nasa $4.4 million ang Japan para sa proyektong pang-agrikultura at patubig sa ilang mga apektadong lugar dahil sa giyera sa southern  Mindanao.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, sinabi ni Japanese Ambassador to the Philippines na si Koji Haneda na ang proyekto ay ipatutupad ng International Labor Organization and the Food and Agriculture Organization bilang “follow-through instruments of peace” at dahil na rin sa pagiging autonomous region ng Mindanao ngayon.

Layunin ng  300-million yen ILO project na magbigay ng ligtas at maayos na suplay ng tubig habang ang 200-million yen FAO project ay naglalayong magbigay ng vocational skills training sa agrikultura at palaisdaan; gayundin sa literacy at entrepreneurship training.

Matatandaang inilunsad ang Bangsamoro Transition Authority noong Pebrero kasunod ng 2014 peace agreement sa pagitan ng gobyerno at mga rebeldeng grupo.

Ang transition authority ay magbibigay ng mas malakas na kapangyarihan sa Bangsamoro government sa 2022 sa sarili nitong parliament at mas malakas na executive at economic powers.

Tinatayang mahigit sa 3 million katao sa  Bangsamoro region ang saklaw ng  1.5 million hectares ng land area na karaniwang nasa central hanggang western Mindanao.

Matatandaang nag-alok din ng tulong pinansiyal ang gobyerno ng Spain – $50-million o nasa P2.617 billion – upang suportahan ang rehabilitasyon at pagbangon ng Marawi City.

Maliban sa tulong, tinalakay din ang iba’t ibang development efforts ng pamahalaan ng Espanya sa Mindanao.

Ang tulong para sa Marawi ay isasantabi para sa pagpapaunlad ng imprastraktura at serbisyong panlipunan.

[caption id="" align="alignnone" width="750"] Marawi evacuees learn how to grow halal organic herbs, veggies (photo from sunstar)[/caption]

Sinabi rin ni Tamayo na nagbahagi ng mutual interests ang parehong opisyal sa posibilidad ng governmental partnership sa agro-economic zones, power infrastructure para sa Tawi-Tawi, edukasyon, kultura, at wika.

Nagkaloob din ang National Housing Authority (NHA) ng mahigit 550 units ng pabahay sa Barangay Boganga sa mga pamilyang nawalan ng tahanan matapos ang limang buwang bakbakan sa Marawi sa pagitan ng gobyerno at Islamic State-inspired armed groups noong 2017.

[caption id="" align="alignnone" width="960"] Over 200 Christians and Muslims who fled from Ground Zero of Marawi City during the five-month gunfight between government troops and rebel groups in Mindanao recently graduated from SM Foundation’s Kabalikat Sa Kabuhayan (KSK) Farmers’ Training Program. (photo from sminvestment)[/caption]

 

Comments

comments