Leni, De Lima, Sereno, Callamard at Ressa mga Expiring Women – Roque

Leni, De Lima, Sereno, Callamard at Ressa mga Expiring Women - Roque

1
1977

Sa pag gunita kahapon Marso 08, 2018 bilang Womens Day, binansagan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga babaeng kritiko ng administrasyon sina VP Leni Robredo, Sereno, Callamard At Ressa na mga pawang Expiring Women.

Vice President Leni Robredo, Senadora Leila de Lima, United Nations Special Rapporteur Agnes Callamard, Maria Ressa ng Rappler at Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Isinaman rin ni Roque sa at dating Department of Social Worker and Development (DSWD) Judy Taguiwalo sa kanyang listahan ng ‘expiring women’.

Ang mga nabanggit na personalidad ay kilalang kritiko at tumutuligsa sa mga ginagawa ni Pangulong Duterte partikular ang anti-drug war ng administrasyon.

Sinabi ni Roque na para sa mga nabanggit na kababaihan, walang tamang ginawa ang Pangulo para sa bansa at sa tingin ng mga ito ay sila lang ang may magandang nagawa para sa Pilipinas.

“So siyempre ang aking paboritong drug queen na nakakulong po ngayon ‘no. At siyempre meron din po diyan, iyong nagpapanggap na imbestigador, pero hindi naman po siya imbestigador, dahil siya po ay propagandanists na ang tawag sa kaniya Special Rapporteur, isa rin po iyan, hindi pupuwede iyan na ikaw ay nais mag-imbestiga, pero ikaw ay meron ng konklusyon,” sabi ni Roque

Para naman kay Ressa, sinabi ni Roque na panay ang bintang na sinisikil ng administrasyon ang kalayaan ng mga ito sa pamamahayag gayong ang isyu ay ang pagbalag ng Rappler sa Saligang Batas dahil hindi sumunod sa patakaran ng ownership sa kanyang negosyo.

“At siyempre nandiyan din iyong mga purveyors of fake news. Naku, sinasabi nilang paglabag sa kanilang karapatan ng malayang pamamahayag, iyon pala fund raising scheme.

Fund raising scheme na sabi ng gobyerno ay lumabag sa Saligang Batas at mga batas. Eh bakit nila ibabato sa Palasyo ang sisi, eh dapat hindi sila naghangad na magkaroon ng ganiyang kalaking halaga, tapos eh, hindi pala sila susunod sa Saligang Batas.Tapos sila mismo eh, sinasabi nagbabantay sila sa mga namumuno para masigurado na hindi nalalabag ang Saligang Batas at mga batas, pero sila pala mismo ay lumalabag,” ani Roque.

Ang ipinagtataka naman ng kalihim kay Vice-President Leni Robredo ay ang pagtanggap noong una ng posisyon sa gabinete gayong hindi naman pala ito naniniwala sa ginagawa ng Presidente at ngayon ay gusto na namang mabigyan ng puwesto kung sakaling magbago pa ang isip ng Presidente na bigyan siya ng bagong trabaho sa gabinete.

“Ang pula ko kay Leni Robredo kasi in the first place, kung talagang killer ang Presidente, kung talagang hindi naniniwala sa rule of law, dapat hindi kayo tumanggap ng kahit anong puwesto lalong-lalo na Gabinete dahil as Cabinet members, you’re alter egos; extension kayo ng Pangulo. Kung gaano kabulok ang sinasabi ninyo ang Pangulo, ganoon din kayo kabulok dahil naging bahagi kayo ng Gabinete,” dagdag pa ni Roque.

source:abante

Comments

comments

Comments are closed.