Matindi umano ang pangamba at pagkabahala sa kampo ni Bise Presidente Leni Robredo, hinggil sa recount, ayon sa abogado ni dating senador, Bongbong Marcos.
Ayong ni Attorney Glenn Chong:
MATINDING PANGAMBA NI ROBREDO
Pinipilit ngayon ng kampo ni Robredo na idamay si Pangulong Duterte at lahat ng mga opisyal na idineklarang nanalo sa halalan noong 2016 kung kukwestiyunin daw ni BBM ang integridad ng automated election system.
Ayon sa kanila, kung kukwestiyunin ni BBM ang pagkapanalo ni Robredo, dapat din daw kwestiyunin ang pagkapanalo ni Pangulong Duterte dahil ang posisyon ng pangulo at pangalawang pangulo ay nasa iisang certificate of canvass lamang.
Hindi raw maaring i-surgically remove o ihiwalay ang resulta ng pangalawang pangulo sa ibang mga posisyon mula pangulo hanggang konsehal.
NOT NECESSARILY AND IT DOES NOT FOLLOW.
Hindi ibig sabihin dahil isang mahistrado ang nagtanong tungkol sa posibleng epekto ng pagkwestiyun sa integridad ng automated election system ay tama ito o ito ang magiging desisyon ng PET.
Ang pagkwestiyun ni BBM sa integridad ng automated election system ay maihahalintulad natin sa kaso ng isang balotang may marka (marked ballot). Ito ang sagot ng abogado ni BBM na si Atty. George Garcia sa pagtatanong ni Justice Leonen tungkol sa isyung ito.
Sa mano-manong halalan, isang paraan ng dayaan ay markahan ang balota (halimbawa: star, ekis, tsek o mga katagang Joker, Alas, Queen at Kamatis {Villagracia vs Comelec}) ng botanteng binenta ang kanyang boto o tinakot ng karahasan. Sa pagbibilang ng boto, babantayan ang markang ito upang masiguro kung bumoto nga ba ang nasabing botante ayon sa kagustuhan ng bumili o nanakot sa kanya.
Kung may protesta, ang markadong balotang ito ay hindi na bibilangin. Pero, ang pagsawalang-bisa ng markadong balota ay may epekto lamang sa mga partidong magkatunggali sa protesta – ang nagprotesta at ang prinotesta. Ikakaltas ito sa botong kanilang nakuha sa halalan. Hindi maaapektuhan ang boto ng lahat ng iba pang mga kandidato na hindi partido o hindi kasali sa protesta. Ito ang desisyon ng Korte Suprema at mga election tribunals sa lahat ng kaso ng markadong balota.
Ang markadong balota ay maihahalintulad natin sa certificates of canvass na iniluwa ng automated election system. Ang tahasang paglabag ng Comelec at Smartmatic sa mahahalagang probisyon ng batas at pagkalikot sa sistema sa kalagitnaan ng pagbibilang ng mga boto ay malinaw na “marka” o bahid sa nasabing certificates of canvass.
Kung hanggang dito lamang ang istorya, hindi pa ito sapat. Pero kung makita natin ang mga tangkang pagpapadala ng resulta (transmission attempts) mula sa Camarines Sur isang araw bago ang halalan, ito ay malinaw na “marka” o bahid pabor sa piling kandidato.
Ang “markang” ito ay malinaw na hindi para kay Pangulong Duterte dahil nilampaso siya doon. Ang “markang” ito ay para sa kandidatong humatak ng husto ng mga boto. Sino pa? Alam mo na!
Kaya kung kukwestiyunin man ni BBM ang integridad ng automated election system at ang certificates of canvass na produkto ng nasabing sistema, ang epekto nito ay aabot lamang sa dalawang magkatunggali. Walang epekto ito sa ibang mga kandidato, talo man o nanalo.
Mas lalong hindi dapat idamay dito si Pangulong Duterte dahil unang-una, hindi siya kasali sa protesta at wala siyang pagkakataon na sumagot sa mga isyu. Pangalawa, malinaw na hindi siya nakinabang sa “markang” ginawa ng mga salarin.
Ang tangkang ito na idamay si Pangulong Duterte ay isang palatandaan ng matinding pangamba ng kampo ni Robredo.
Nga pala, may mali sa report na ito. Hindi pa inaprobahan ang hiling ni Robredo na ipagpaliban muna ang pagbayad ng last installment ng kanyang cash deposit. Sinabi lang ng mga mahistrado na pag-usapan pa nila ito.
Comments are closed.