Mga Major railway projects ng bansa matagal natengga, itinutuloy lang ng Duterte administration

Mga Major railway projects ng bansa matagal natengga, itinutuloy lang ng Duterte administration

1
452

Ang mga railway projects ng pamahalaan na kasalukuyang ginagawa na at malapit nang umpisahan ay mga proyektong nabuo ang konsepto noon pang nakalipas na mga administrasyon.

Ang mga proyekto na ilang dekadang natengga ay itinutuloy lamang ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Ayon sa ulat ng Abante, ang mga proyektong nabinbin nang napakatagal na panahon ay mauumpisahan na sa pamamagitan ng pagsulong ng tinatawag na “Golden Age of Infrastructure” ng bansa sa ilalim ng Build, Build, Build program ng Duterte administration.

ALSO READ: Railway projects na natulog ng 2 hanggang 4 na dekada, inuumpisahan na ngayon – DOTr

Sa economic briefing sa Palasyo, sinabi ni DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan na ang mga major railway projects na nabuo ang konsepto at natapos ang feasibility studies noon pang administrasyon ni Ferdinand Marcos hanggang sa administrasyon ni Noynoy Aquino ay inuumpisahan na.

Sinabi ni Batan na ang Metro Manila Subway ay kabilang sa mga nasabing railway projects na nabinbin. Aniya, noon pang 1977 naiplano ang unang subway system ng bansa.

Ang North Rail Project na magdudugtong sa Central Luzon at Maynila naman na sinimulan noong nakaraang buwan ay noon pang 1993 nabuo ang konsepto.

Kabilang din sa mga nasabing proyekto ang pagtatayo ng common station ng Metro Rail Transit at Light Rail Transit sa EDSA na sampung taon nang naaantala.

Naging mabagal umano ang National Economic and Development Authority (NEDA) sa pag-apruba sa mga proyekto kaya nabinbin ang mga iyon ng ilang dekada. Ang mga proyekto ay ngayon lamang panahon ng Duterte administration nakakuha ng NEDA approval.

ALSO READ: Railway projects na natulog ng 2 hanggang 4 na dekada, inuumpisahan na ngayon – DOTr

Magugunitang nag-walk-out si Pangulong Duterte sa isang cabinet meeting noon matapos niyang matuklasan na maraming major projects ang nakabinbin dahil hindi inaaprubahan ng NEDA.

 

Comments

comments

Comment Here

Loading Facebook Comments ...
Loading Disqus Comments ...

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

You must fill in your Livefyre SiteID in the Comments Evolved plugin options.