Pagpabor ng PET sa 25% threshold sa kampo ni VP Robredo, walang katotohanan – Atty. Glenn Chong
Fake news ang ipinagkakalat ni Leni, na pumapapor umano ang ang PET na gawing 25% ang threshold.
BREAKING THE BREAKING FAKE NEWS
I. VOTE SHADING TRESHOLD: Hindi totoo na pinaboran ng PET si Leni Robredo at ginawang 25% ang vote shading threshold. FAKE NEWS ITO!
Kung babasahin natin ng maigi ang 26-page resolution ng PET, walang deklarasyon dito na 25% na ang threshold na ipapatupad nito.
Katunayan, malinaw na sinabi ng PET na hindi isyu sa revision proceedings ang threshold dahil ang threshold na ginamit ng VCM ay hindi ang pinal na determinant o basehan kung ang boto ay bibilangin ba pabor kay BBM o kay Robredo. Ang mga balota ay isasailalim pa sa pagbusisi ng PET upang malaman ang totoong intensyon ng mga botante at titimbangin ito ayon sa objections at claims ng magkabilang panig (Par 1, Page 2).
OBJECTIONS AND CLAIMS: Maaring kontrahin ni BBM ang mga boto ni Robredo. Maari ring kontrahin ni Robredo ang mga boto ni BBM. Maaring angkinin ni BBM o ni Robredo ang mga botong hindi malinaw kung para kanino o mga botong hindi binilang ng makina.
Pulit-ulit na paglilinaw ng PET, hindi ito pinaalam ng Comelec na 25% ang threshold na ginamit nila sa mga VCM noong halalan. Ito ay taliwas sa mga sinabi ng Comelec at kampo ni Robredo. At ang sulat ni Comelec Commissioner Guia at ang RMA Guide na ibinigay nila sa PET ay hindi sapat na basehan upang baguhin o amyendahan ang Rules ng PET.
Dagdag pa ng PET, ang RMA Guide, standing alone, ay hindi official issuance o official act ng Comelec kaya wala talagang legal na basehan upang baguhin o amyendahan ang 2010 PET Rules, lalong-lalo na sa isyu ng revision ng mga balota (Par 6, Page 😎. Dahil dito, ang 50% threshold na malinaw na nakasaad sa 2010 PET Rules ay nanatili at hindi nagbago. Ang 50% threshold pa rin ang patuloy na basehan ng PET.
Nilinaw pa ng PET na wala ring basehan upang baguhin o magpatupad ng panibagong threshold sa 2018 Revisor’s Guide kung saan 50% din ang nakasaad na shading threshold (Par 1, Page 9).
In fact, ayon sa PET, hindi naman totoong 25% talaga ang threshold ng mga VCMs. Ayon mismo sa mga pleadings ng Comelec at kampo ni Robredo, makikita na hindi eksaktong 25% ang threshold na diumano ay ginamit. Ang nakita ng PET ay range of 20% – 25% (Par 4, Page 9). Mas lumabo ang threshold nila.
Dagdag pa ng PET, walang ipinalabas na opisyal na dokumento bago ang 2016 elections na magpapatunay na ang mga VCMs ay, in fact, nakaset sa 25% (Par 2, Page 10). Ito rin ang posisyon ko. Wala talagang patunay na 25% nga ang threshold na nakaset bago ang halalan.
Dahil ang layunin ng revision proceedings ay recount lamang ng mga boto ng magkatunggaling partido, nilinaw ng PET na ipapatupad ito sa pamamagitan ng pagmimick kung paano binasa at binilang ng VCMs ang mga boto (Par 5, Page 11). At dahil sa mga teknikal na kadahilanan ay hindi na magamit ang mga VCMs upang maipatupad ito, ang printed Election Returns na lamang ang pagbabasehan muna ng initial segregation o paghiwa-hiwalay ng mga balota at hindi na gagamitin ang threshold (Par 1, Page 18). Ito ang buod ng sinabi ng PET na “ang 50% shading threshold ay hindi na gagamitin” (Par 3, Page 11).
Ang mga katagang ito ang pinagbasehan ng pagbubunyi at pagpapakalat ng fake news ng kampo ni Robredo ngayon. Pinipili lang nila ang mga mapanlinlang na mga katagang gusto nilang bigyang diin dahil kung babasahin ng buo ang PET resolution, ito ang kahihinatnan:
1. Hindi na gagamitin ang shading threshold sa initial segregation o paunang paghiwa-hiwalay ng mga balota sa revision proceedings.
2. Ang printed Election Returns ang siyang gagamitin upang makita kung paano binilang ng mga VCMs ang mga boto.
3. Ang bawat partido ay maaring kontrahin ang boto ng kalaban. Sa pontong ito, maaring mag-object o kontrahin ni BBM ang mga 25% Yoda votes o pre-shaded votes ni Robredo upang matanggal o makaltas ito sa kanyang tally. Ang basehan ni BBM dito ay ang 2010 PET Rules at 2018 Revisor’s Guide kung saan nanatiling 50% ang shading threshold.
4. Sa pinal na appreciation stage ng PET o pagbusisi ng mga balota at mga objections and claims ng magkabilang panig pagkatapos ng revision proceedings, ang 2010 PET Rules at 2018 Revisor’s Guide kung saan nanatiling 50% ang shading threshold pa rin ang iiral.
5. Ang pananatili ng 50% shading threshold sa 2010 PET Rules at 2018 Revisor’s Guide ay solidong basehan upang matanggal ang mga gatuldok na boto ni Robredo pagdating sa pinal na appreciation stage ng protesta.
Kaya nga ang sabi ng PET, partial lamang ang reconsideration na ibinigay nila sa Motion ni Robredo na gawing 25% ang threshold. (Par 3, Page 6) Hindi siya pinagbigyan sa kanyang buong kahilingan. Walang categorical declaration na 25% na nga ang shading threshold. Ang malinaw na sinabi ng PET, ang Rules ay hindi nagbago – 50% pa rin ang threshold na susundin ng PET sa protesta.
IN SUM, WALA NAMAN TALAGANG TOTOONG NAIPANALO SI ROBRESO SA ISYUNG ITO.
II. DECRYPTED BALLOT IMAGES: Dito pansamantalang nakalamang si Robredo. Kinatigan ng PET ang kanyang hiling na gamitin ang decrypted ballot images dahil hindi raw nagsumite si BBM ng mga patunay na ang mga ito ay nakompromiso, pinakialaman o kaduda-duda na. Dagdag pa ng PET, hindi sapat ang simpleng mga paratang lamang.
On the other hand, naipalawanag daw ng sapat ng Comelec ang mga extraneous marks na squares sa ballot images kahit wala ito sa orihinal na balota. Dinagdag ito ng mga makina matapos bumoto ang mga botante.
Pero ang hindi naipaliwanag ng Comelec sa harap ng Senate Committee hearing noong July 31, 2018 ay ang mga ipinakita kong katunayan na ang mga ballot images na ito ay tampered na o pinakialaman na ng mga mandaraya. Malinaw sa ebidensiyang ipinakita ko na tumalon ang sequence numbers ng mga ballot images (nawala at nabura ang mga ballot images na ito) sa bandang unahan at gitna ng listahan ng magkasunod-sunod na pumasok na balota sa VCM at idinagdag ang mga ipinalit na tampered ballot images sa bandang hulihan ng nasabing listahan.
Ang sequence numbers na nakaimprinta sa bawat ballot image ay control marks ng nasabing ballot images. Kapag nagbago ang control marks na ito at hindi na magkasunod-sunod dahil may tumalon, nawala, nabura at nadagdag, ito ay malinaw na palatandaan ng tampering.
Katunayan, sa 368 VCMs sa 3rd Congressional District ng Camarines Sur, 4 VCMs lang ang may kompletong listahan ng ballot images – walang nawawala, nabubura o nadagdag na ballot images. Pero sa 362 VCMs, lahat ito ay may nawawala, nabubura o nadagdag na tampered ballot images. Sa 362 VCMs na ito, 37,152 ang idinagdag na tampered ballot images. Sa Naga City lamang, baluwarte ni Robredo, 13,936 ang idinagdag na tampered ballot images. May 2 VCMs na walang kahit anumang rekord.
Alam ko ito dahil kami ang nakadiskubre nito. Ito rin ang aking ibinigay na testimony complete with supporting documents and evidence nang ako ay tumestigo sa kasong Villafuerte vs Bordado sa House of Representatives Electoral Tribunal noong September 20, 2018.
Ayon sa kampo ni Robredo, hindi raw maaring kontrahin ni BBM ang decrypted ballot images dahil siya mismo ang humingi nito at may mga kinatawan siya ng magkaroon ng decryption sa Comelec. Kinatigan ito ng PET.
Ito ay patunay lamang na walang alam ang mga sumusulong sa pananaw na ito. Hindi maaring pigilan si BBM na kontrahin ang mga ballot images dahil lamang siya ang humingi ng decryption. Sa decryption lamang makikita kung ano ba talaga ang laman ng mga SD cards. Kaya pagkatapos lamang ng decryption makikita ang mga anomalya, iregularidad at dayaan sa halalan.
Kung susundin natin ang pananaw ng mga ignoranteng nasa kampo ni Robredo, hindi na mapabulaanan ang mga tampered decrypted ballot images dahil lang hiningi ang decryption – ang tanging paraan upang madiskubre ang mga ebidensiya ng dayaan – ng partidong gustong patunayan na tampered nga ang mga ito. Mga mandaraya lang ang magsusulong sa ganitong pananaw upang hindi madiskubre ang daya nila.
Ang dapat gawin ni BBM dito ay humingi ng reconsideration sa desisyon ng PET sa isyung ito at patunayan na tampered na nga ang mga decrypted ballot images na ito.
THE BREAKING FAKE NEWS IS NOW BROKEN!