Permit to Campaign (PTC), Ipinatupad ng NPA sa lahat ng mga kandidato

Mga Kandidato na Mangangampanya sa Agusan del Sur, Kailangang Kumuha ng Pemit sa NPA

0
520

Province of Agusan del Sur – Ang mga Kandidato na mangangampanya sa probinsya ng Agusan del Sur, ay kailangang Kumuha ng Pemit Rally sa NPA ayon kay Ka Oto, ang NPA spokeperson ng Guerilla Front Committee 16, North-Eastern Regional Mindanao Command (NEMRC).

Pursigido ang New People’s Army (NPA) sa pagpapatupad ng kanilang bagong batas, ang Permit to Campaign o tinatawag na PTC.

Ang lahat ng mga kandidato na mangangampanya sa probinsya ng Agusan del Sur, kung saan may maraming NPA, ay ino obliga na kumuha ng PTC sa kanilang organization.

Dagdag ni Ka Oto, kailangang tandaan ng mga kandidato na kumuha ng PTC. at kung may dala silang body guard o security guard, pulis o sundalo ay kailangang walang dalang baril o armas ang mga ito upang hindi humantong sa gyerra o hidwaan ang pangangampanya.,

At Huling paalala nito na sundin lamang ang kanilang mga kondisyones na nakasaad sa PTC (Permit to Campaign) para umano maging matiwasay o payapa ang magiging kampanya ng mga kandidato.

Comments

comments