Sarah Balabagan kay Igan: Magpakalalaki ka, 22 years na ‘yung ibinigay ko saiyo

Sarah Balabagan kay Igan: Magpakalalaki ka, 22 years na ‘yung ibinigay ko saiyo

0
134
Sarah Balabagan kay Igan: Magpakalalaki ka, 22 years na ‘yung ibinigay ko saiyo

NAKATITIYAK kaming maraming kaibigang abogado ang GMA 7 news anchor na si Arnold Clavio na maaaring lapitan para sa kontrobersyang kinasasangkutan niya ngayon.

Sigurado rin kaming alam niyang walang criminal charges na puwedeng isampa sa kanya sa paglantad ni Sarah Balabagan para aminin na siya ang ama ng panganay nitong si Ara na 21 years old na ngayon at naka-base na sa Las Vegas, Nevada, USA.

Palaisipan kasi sa lahat kung bakit hanggang ngayon ay wala pang sagot si Arnold sa bagong pahayag ni Sarah.

“Magpakalalaki ka, hello! Twenty-two years na ‘yung ibinigay kong pagkakataon sa kanya, and I hope and pray na ready na siya,” ang hamon ni Sarah sa ama ng anak nsa panayan ng programa ni Ben Tulfo.

Ang ipinagtataka namin ay lagi raw sinasabi ni Arnold sa anak, “Kapag nagsabi sa public ang mama mo, makukulong ako.”

Hindi kaya ito ang panakot ni Arnold sa anak para hindi maisapubliko ang isyu?

ALSO READ: Sarah Balabagan Story

Twenty-two years na ang nakaraan at paso na ito kung sasampahan ng criminal charges si Arnold base na rin sa hiningi naming reaksyon sa isang abogado.

Sabi niya sa amin, “Walang kinalaman ‘yan sa criminal case dahil matagal nang nangyari ‘yan, paso na. Baka as a host may rules ang KBP o Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas.”

Hayun, baka iyon ang iniingatan ni Arnold na kapag sumagot o umamin siyang siya ang ama ng anak ni Sarah at nabuntis niya ito noong 17 years old pa lang ay magkaproblema siya sa KBP.

May nabasa rin kaming reaksyon sa panayam kay Sarah mula kay Robbie Davis, “DAPAT SANA ITONG SARAH BALABAGAN ARNOLD CLAVIO STORY ANG GAWING TOPIC NI JESSICA SOHO. PARA MAGKAROON NG KABULUHAN ANG SLOGAN NG GMA NETWORK. WALANG KINIKILINGAN WALANG PINOPROTEKTAHAN SERBISYONG TOTOO.”

Say naman ni Mason Nick, “Sarah has a heart of a lion! She waited for many years to protect a man that doesnt deserve to be protected. Its about time she revealed who the father!”

Mula kay Yeona Lee, “Arnold Clavio must be thankful to Sarah B. for keeping it so many years hindi biro ‘yung emotional stress na itago ‘yung kahihiyan. Kaya naman mas masasabi kong matapang si Sarah kesa kay Arnold. Now nya ipakita ung pagkalalaki nya. Child abuser pla itong Arn Arn na ito!”

Anyway, nabanggit pa ni Sarah na minanipula siya ni Arnold noong 17 years old siya.

“Hindi ko sasabihin kung ano, kung paano mo ako minanipulate. Hindi ko ija-justify kung ano yung mga ginagawa ko, o kung paano nangyari ‘yung mga pagkakamali ko. Pero sasabihin ko lang ang totoo na ikaw ang ama ni Ara.

Hindi rin umano nagbibigay ng contact information niya si Arnold at lahat ng kailangan ng anak nila ay ipinadadaan sa nanay at kapatid nito.

“Wala silang direct communication kay Arnold dahil ayaw ibigay ni Arnold yung number niya. Pero kapag may mga request (Ara) kailangan dumaan kami doon sa nanay niya o di kaya sa kapatid niya, at sila yung nagre-relay kay Arnold.

“Kung gustong makita ng bata si Arnold, ganoon din, ipinapaalam sa kanila, and then ina-arrange na magkita yung mag-ama,” sabi ni Sarah.

Naikuwento rin ni Sarah na noong nagtapos ng high school ang anak nila ni Arnold ay umasa itong darating ang ama pero hindi at masakit iyon sa parte ni Ara.

ALSO READ: Sarah Balabagan Story

source: inquirer

Comments

comments