Little Narco’ met with Sen. Marco – Trump
NATURAL comic pala itong si US President Donald. Isang matatawag nating punster. Magugunita na nagtungo kamakailan si Sen. Sonny Trillanes sa Amerika ay doo’y nakausap niya si US Senator Marco Rubio.
Habang papasakay sa Air Force I na siyang gamit ng Pangulo ng Amerika, tinanong daw ng isang reporter si Trump tungkol sa pagbisita ni Trillanes at ang eksaktong sagot daw ni Trump ay: “The little Narco met with Sen. Marco.”
Nanggaling noon si Trump sa Texas at pauwi siya nang tanungin siya ng reporter hingil sa usapang Trillanes at Rubio.
Tinanong daw ng mga reporter si Trump kung totoo ba na kinumbinsi siya ni Trillanes na huwag ituloy ang pagbisita sa Pinas kaugnay ng nakatakdang East Asian Summit sa Nobyembre 14.
Heto ang saktong tugon ni Trump nang tanungin tungkol sa umano’y pagkumbinsi ni Trillanes sa kanya na kanselahin ang pagdalaw sa Pinas: “Senator who? Like I said senator who? The lil’ narco who met Marco? How’d he get a visa? isn’t he wanted, doesn’t he have an arrest warrant or something?”
Dagdag ni Trump ay “I’m going to Manila to meet the main guy. A leaders’ leader, man’s man Rody, we talk from time to time, he’s the head of ASEAN right now and when you do deal you deal with the boss”.
PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
Kaya kung totoo man na pakay ni Trillanes na harangin ang pagbisita ni Trump kumpirmado na bigo siya. Lumalabas kasi na inisnab sya at hindi kilala ni Trump kahit pa man nakaharap nito si Sen Rubio.
Ani Ambassador Marciano Paynor Jr., director general for operations ng ASEAN 2017 National Organizing Council na Nov 12 hanggang 13 ay dadalo si Trump sa Asean Summit Meeting pero sa East Asia Summit sa Nov 14 ay hindi na ito makakadalo dahil sa conflict of schedule.
Ang East Asia Summit ay kinabibilangan ng sampung ASEAN countries tulad ng Australia, China, India, Japan, New Zealand, Russia, South Korea, at US.
Excertp from the source: The Philippine Star
Comments are closed.