Ibinasura ng Korte Suprema ang hiling ni Senator Antonio Trillanes na magkaroon ng temporary restraining order laban sa Proclamation No. 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa naturang proklamasyon, isinasawalang bisa nito ang amnestiyang iginawad sa senador noong administrasyong Aquino.
Sa en banc session, napagdesisyunan ng Supreme Court na bigyan ng 10 araw ang gobyerno na sagutin ang hamon ni Trillanes na patunayang ang ligalidad ng naturang proklamasyon.
Matatandaang hiniling ni Trillanes sa SC na ibasura ang Proclamation No. 572 dahil ayon sa abogado nito, unconstitutional ang paglalabas nito.
Ikinatuwa naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang desisyon ng Korte Suprema.
READ: Supreme Court denies Senator @TrillanesSonny's TRO vs. Presidential Proclamation No. 572 pic.twitter.com/6mdgX9dIEo
— Remate News Online (@RematePH) September 11, 2018
“There is really no extreme urgency to speak of, as the trial courts have set the DOJ’s motion for alias warrant of arrest and HDO for hearing, thereby giving Sen. Trillanes an opportunity to be heard.”
source: remate.ph