Muling itinakda ng Commission on Elections (Comelec) sa 25-percent threshold o one-fourth shading sa oval ng balota ang pagtukoy sa lehitimong boto para sa May 13, 2019 mid-term elections na muling idadaan sa automated system.
Nakasaad ito sa Resolution Number 10419 na pirmado ng lima mula sa pitong myembro ng Comelec en banc.
Ayon sa resolusyon, ang pagpili sa 25% threshold ay para matiyak na walang masasayang na boto at wala ring boto na mabibilang dahil kapos sa shading.
Ang Optical Scanning technology o mga vote counting machine na binili mula sa Smartmatic ang gagamitin umano sa pagtukoy kung nakatalima ba sa threshold ang pagkakaitim sa oval para sa bawat kandidato.
Magkagayunman, nananatili pa rin ang bilin ng Comelec na itiman nang buo ang mga oval sa balota. source