ABS-CBN Journalist Doris Bigornia, na aksidente sa Mandaluyong

ABS-CBN Journalist Doris Bigornia, na aksidente sa Mandaluyong

1
2094

Nalapatan na ng paunang lunas sa ospital ang reporter na si Doris Bigornia matapos itong madamay sa karambola ng anim na sasakyan sa southbound ng Shaw Boulevard sa lungsod ng Mandaluyong.

Nabatid na sugatan din sa naganap na aksidente ang isang crew ng malaking media network sa bansa at ang isa pang babaeng motorista.

Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA), dakong ala-1:46 nang nangyari ang nasabing aksidente kung saan sangkot ang dalawang SUV, isang pick-up, isang motorsiklo at dalawa pang sasakyan.

Paliwanag pa ng MMDA, nag-umpisa umano ang insidente nang sumalpok sa isa pang sasakyan ang isang Montero matapos na hindi umano kumagat ang break nito habang tinatahak ang southbound lane ng Shaw Boulevard.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumama rin ito sa isa pang Montero na tumagos sa northbound lane na siya namang sumalpok sa dalawang sasakyan, kabilang ang kina Bigornia at sa mga crew nito.

Pansamantalang isinara ng MMDA ang northbound lane ng Shaw para sumaklolo at sa ngayon ay bukas na ulit ito sa mga motorista.

source

 

Comments

comments

Comments are closed.