Ama, pinagsamantalahan ang sariling sanggol na apat na buwang gulang

Ama, inabuso ang sariling sanggol na apat na buwang gulang

0
736

Isang ama ang inireklamo ng sarili niyang misis matapos umanong pagsamantalahan ang kanilang apat na buwang gulang na anak sa Tarlac. Ang insidente, nangyari umano nang hindi pumayag ang ginang na makipagsipang sa asawa.

Sa ulat ng GMA News TV “Quick Response Team” nitong Biyernes, sinabing napilitang umalis sa kanilang bahay sa Tarlac ang 28-anyos na ginang at ang apat na buwang gulang niyang anak dahil sa pangamba na balikan sila ng kaniyang asawa.

Bunsod ito ng isinampang kaso ng ginang sa kaniyang mister na naaktuhan niyang pinaglaruan ang maselang bahagi ng katawan ng kanilang anak.

Kuwento ng ginang, dakong 6:00 p.m. nang ayain siya ng kaniyang mister na magtalik pero tumanggi siya. Pero pagsapit ng 4:00 a.m., nagising siyang umiiyak ang bata.

Nakita umano niyang hinahawakan ng kaniyang asawa ang maselang bahagi ng kanilang anak.

Sa kabila umano ng nangyari, matapang pa raw ang kaniyang mister at sinabihan siyang bahala sila sa kanilang buhay kapag nagsumbong.

Ayon kay Police Officer 3 Babylyn Valeros, investigator ng Gerona Police, hinihintay nilang lumabas ang subpoena kaugnay sa isinampang kaso laban sa ama.

Sa ngayon, hindi na raw mahagilap sa kanilang tirahan sa Tarlac ang ama.

“Kung naireport po sa amin kaagad, puwede sanang hulihin kaso one week na ang lumipas at hindi po kaagad naireport sa amin,” paliwanag ng pulis.

Desidido ang ina na ituloy ang reklamo laban sa kaniyang asawa.–FRJ, GMA News

Comments

comments