Atty Peña kay Mocha: Ang pagpicture na may hawak na libro ay hindi pag-aaral!

1
2185

Pinasaringan ni Atty. Gideon Peña ang litrato ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson kung saan makikita siyang nagbabasa ng mga libro tungkol sa pag-aaral ng law.

Nakatanggap si Uson ng mga libro galing kina DPWH Secretary Mark Villar at ‘Build Build Build’ Chairwoman Anna Mae Yu Lamentillo.

“Maraming salamat DPWH Sec. Mark Villar and Build Build Build Chairperson Anna Mae Yu Lamentillo para sa mga libro na magagamit sa pag-aaral ng law,” ani Uson.

Nakatakdang pumasok si Uson sa Arellano University School of Law sa susunod na taon.

Habang nakatanggap siya ng mga papuri mula sa mga tagasuporta ni President Rodrigo Duterte, pinagdudahan naman ito ng ibang mga tao sa social media.

Katulad na lamang ni Atty. Gideon Peña kung saan sinabi nito na habang hindi dapat pagtawanan ang sino mang nag-aaral, hindi naman matatawag na pag-aaral habang nagpapa-picture.

“Mahalagang Paalala: Huwag pagtawanan ang sino mang nag-aaral. Dagdag Paalala: Ang pagpicture na may hawak na libro ay hindi pag-aaral,” ani Peña.

source: Phil. Republic

Comments

comments

Comments are closed.