Bomb factory ng NPA, nadiskubre ng PNP at AFP sa Gapan, Nueva Ecija

Bomb factory ng NPA, nadiskubre ng PNP at AFP sa Gapan, Nueva Ecija

0
572
Bomb factory ng NPA, nadiskubre ng PNP at AFP sa Gapan, Nueva Ecija

Nadiskubre ng mga tropa ng pulis at militar ang kuta ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Mamaclay, Gapan, Nueva Ecija na gawaan ng Improvised Explosive Device.

Ayon kay Police Col. Fitz Macariola, Force Commander ng Regional Mobile Force Batallion 3 natagpuan nila ang “bomb factory” ng NPA sa pagsasagawa nila ng maigting na “anti-insurgency campaign” sa lugar katuwang ang Philippine Army.

Ito’y matapos na makatanggap ng impormasyon mula sa mga sibilyan.

Wala aniya silang naabutang NPA sa lugar, pero narekober nila ang mga improvised explosive devise (IED) at samut-saring sangkap sa paggawa ng bomba.

Kasama rito ang mga 9 volts battery; electric at non electric blasting cap; time fuse, electronic parts at dalawang piraso ng PVC pipe improvised land mine.

Samantala, tiniyak naman ng PNP na patuloy silang magiikot at reresponde sa sumbong ng mga residente para magbantay ng seguridad at tiyakin ang kapayapaan.



Comments

comments