Boracay Incident: Anak at Pamangkin ni Sen. Jinggoy Estrada Sugatan Matapos Bugbugin ng Tatlong Lalaki

0
751
top

Sugatan ang anak at pamangkin ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada matapos umanong bugbugin ng tatlong lalaki sa isla ng Boracay nitong madaling araw ng Sabado.

Ayon sa ulat ni Mav Gonzales ng GMA News 24 Oras Weekend nitong Linggo, nakasaad sa opisyal na pahayag ni Senador Estrada na ang kanyang anak na si Julian Ejercito at pamangkin na si Jefferelly Vitug ay pauwi na galing sa isang bar at nagbabakasyon lamang sa Boracay nang mangyari ang pananakit.

inline

Sinabi umano ng isa sa mga suspek sa biktima, “Masyado kang maangas,” bago isinagawa ang marahas na pag-atake. Ayon kay Estrada, walang naunang komprontasyon sa loob ng bar na maaaring nag-udyok sa insidente.

Kahit bumagsak na sa lupa si Julian, patuloy pa rin umano itong sinisipa ng isa sa mga suspek, ayon sa salaysay ng senador.

Agad na nagtungo si Estrada sa Boracay noong Sabado para personal na alamin ang kalagayan ng kanyang mga mahal sa buhay at nagsampa ng pormal na kaso laban sa tatlong suspek.

“Bilang ama at tiyuhin, hindi maiiwasan na labis akong mag-alala nang makarating sa akin ang masamang balita. Kaya’t dali-dali akong pumunta para alamin ang nangyari at kalagayan nila,” pahayag ni Estrada.

Dagdag pa ng senador, “No parent or relative ever wants to hear that their loved ones have been victims of such a senseless act in a place that should be a friendly community and a source of relaxation.”

Naniniwala si Estrada na ang mga awtoridad ay magsasagawa ng masusing imbestigasyon upang maipagkaloob ang hustisya para sa kanyang anak at pamangkin.

“While charges have already been filed against the suspects, I trust that the proper authorities will investigate this case thoroughly and ensure that justice is served,” aniya.

Sa huli, nagpasalamat ang senador na ligtas na ang kanyang mga mahal sa buhay, ngunit umaasa siyang magsilbing paalala ang insidenteng ito sa kahalagahan ng seguridad sa mga pampublikong lugar.

Jinggoy Estrada, Boracay news, pambubugbog sa Boracay, Julian Ejercito, Jefferelly Vitug, balita sa Pilipinas, GMA News, crime news, Boracay incident, trending news Philippines

Comments

comments

favhosting.com bottom