CHR, Bulag, Pipi at Bingi, tahimik at walang aksyon sa pagpatay sa bodyguard ni Atty. Glenn Chong

CHR, Bulag, Pipi at Bingi, tahimik at walang aksyon sa pagpatay sa bodyguard ni Atty. Glenn Chong

0
1706

Bakit nga ba tahimik at parang walang alam sa pangyayari ang CHR, Human Rights Commission sa ating bansa? upang mag imbistiga at mag conduct ng review hinggil sa pagpatay kay Santillan, ang bodyguard ni Atty. Glenn Chong.

Ang biktimang si Santillan ay isang biktima na matatawag nating EJK, pero nasaan ang anti EJK advocates? si Delima, Hontiveros, Kiko Pangilinan, Bam Aquino at CHR? diba ang ingay nila kapag EJK ang pag-uusapan, pero nasaan sila ngayon?

Umaani na ng batikos mula sa mga netizen ang pananahimik ng Commission on Human Rights (CHR) sa kaso ng pagpatay sa bodyguard ni Atty. Glenn Chong.

Sa kanilang post sa social media, dapat kumikilos na si CHR Chairman Chito Gascon para imbestigahan ang kaso ni Richard Santillan, tulad ng ginagawa nitong pag-iingay kapag may mga sibilyan na namamatay sa war on drugs ng pamahalaan na ang sangkot ay mga pulis.

Base sa forensic examinations na ginawa ng Public Attorney’s Office (PAO), nakitaan ng mga tortured mark sa katawan ni Santillan, taliwas sa pahayag ng pulisya na namatay ito sa ‘shootout’ sa Cainta, Rizal kasama ang isang babae noong Disyembre 10.

Anila masyadong halata ang CHR na may kinikilingan lalo pa at ang napatay ay kasama ni Atty Chong. Si Chong ang nagbunyag sa talamak na dayaan noong nagdaang eleksyon.

Ayon sa PAO forensics team na pinangunahan ni Dr. Erwin Erfe, nagtamo ng 63 sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Santillan at 11 dito ay gunshot wounds.

Nakitaan din ito ng bakas ng dugo sa utak, palatandaan ng trauma bunga ng paghataw ng matigas na bagay sa ulo at mga sugat dahil sa saksak.

source

Comments

comments