Lubos po tayong nagpapasalamat sa Pangulong Duterte sa paglagda sa “Doktor Para sa Bayan Act” na isa sa mga naging adbokasiya ng inyong lingkod bilang co-author nito sa 18th Congress.
Layon ng batas na ito na mabigyang-pagkakataon ang mga kapos-palad ngunit magagaling na estudyante upang maging doktor sa pamamagitan ng scholarship. Madadagdagan din ang bilang ng mga doktor na maglilingkod sa ating mga kababayan sa mga mahihirap o malalayong lugar.
Sa Taguig ay Priority Course ang Medicine kaya pinakamataas ang Scholarship na inilalaan para sa mga scholars ng Lungsod na nais maging doktor. Ngayong ganap na itong batas, hindi na lamang Medicine Students ng Taguig ang makatatanggap ng tulong sa kursong ito na bukod sa napakahirap na, ay napakamahal pa.
Napapanahon ang pagpasa ng batas na ito dahil malinaw nating nakita ang kahalagahan ng mga doktor lalo na sa kinakaharap nating pandemya.
(c) Cong. Lani Cayetano