Former Sec. Leila de Lima, nag-panic sa isiniwalat ni Gen. Jovito Palparan – Usec. Badoy

Former Sec. Leila de Lima, nag-panic sa isiniwalat ni Gen. Jovito Palparan – Usec. Badoy

0
984
leila, redtag, leila de lima, senator de lima, de lima drug case, drug case of de lima, palparan

NAG-panic diumano si former Secretary of Justice at Senator Leila de Lima sa pagsisiwalat na ginawa ni Major General Jovito Palparan ayon kay Usec Lorraine Badoy ng NTF-ELCAC.

Matapos maganap ang interview kay General Palparan ay agad na naglabas ng pahayag si Sen. De Lima ukol sa pagbubulgar ni Palparan laban sa kaniyang mga nagawang katiwalian.

Maliban sa mga katiwalian sa Bilibid ay kasamang inilahad ni Palparan ang nangyari sa likod ng kaniyang pagkakabilanggo kung saan dalawang inosenteng sundalo umano ang nadamay para lang mapalakas ang kaso laban sa kaniya.

Agad naman naglabas ng pahayag si De Lima ukol dito at pinunterya si Usec. Badoy na isa sa mga nag-interview kay Palparan.

Aniya, gaya ng amo niya na si President Rodrigo Roa Duterte, na kapag nagigipit, sa Bilibid lumalapit si Badoy.

“Gaya ng amo niyang si Duterte, si Badoy, kapag nagigipit, sa Bilibid lumalapit. She found herself a convicted felon who is only too willing to lie to get on the good side of this administration,” pahayag ni De Lima.

Maliban dito ay sinabi rin ni De Lima na nagkakandarapa ang NTF ELCAC na mag “red tag” sa mga progresibong grupo at babalik umano si Pangulong Duterte sa China para halikan ang paanan ni Xi Jin Ping.

Nakaramdam naman ng pagkaawa si Badoy sa dating kalihim.

“Nagkakandarapa sina Badoy at NTF-ELCAC para i-red tag, o tawaging communist sympathizer, ang mga human rights defenders, mga student activist, at mga progresibong organisasyon sa ating bansa.  Samantala, si Duterte, babalik na naman sa China para humalik sa paanan ng pinuno ng Communist Party of China, si Xi Jinping,” ani De Lima.

Dagdag pa ni Badoy, dahil sa pagkabuko ni Palparan sa mga kinasasangkutang katiwalian ni De Lima ay nag-papanic na di umano ang naturang senador.

Inihambing naman ni Badoy ang track record ni De Lima at ng kasalukuyang administrasyon kasama na rin ang NTF-ELCAC na napakaganda ng accomplishments, 24,000 surenderees ng former rebels at may mataas na approval ratings mula sa ating mga kababayan.

Comments

comments