Ginulo lang ni Pangulong Duterte ang Pilipinas – Trillanes

Ginulo lang ni Pangulong Duterte ang Pilipinas - Trillanes

1
666

Sa isang pahayag kung saan sinabi ni Pangulong Duterte na isa daw siyang diktador at maging diktador para sa ikauunlad ng bansa. Umani  ito ng batikos mula kina opposition Senators Antonio Trillanes IV at Bam Aquino ang pahayag na ito ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Trillanes, walang naidulot na maganda sa bansa ang dalawang taong dictatorial style ni Pangulong Duterte. Giit ni Trillanes, ginulo lang ni Pangulong Duterte ang Pilipinas, pinatay umano ang mga mahihirap, pinahirap ang buhay ng mga Pilipino at giniba ang mga democratic institutions.

Diin naman ni Senator Aquino, hindi kailangan ng Pilipino ang isang diktador dahil ang nararapat ay isang pinunong may kakayahan at tunay na malasakit sa buong bayan, lalo na para sa mahihirap nating kababayan.

Pinaalala pa ni Aquino na lumaban ang bayan noong People Power dahil hindi diktadurya ang makapagbibigay ng sapat na kita para sa bilihin, dekalidad na edukasyon, at kaligtasan ng pamilya na inaasam-asam ng mga Pilipino.

Katwiran pa ni Aquino, diktadurya ang nagdulot ng karahasan at pagpatay, kawalan ng trabaho at kalayaan, korupsyon at napakalaking pagkakautang.

Pero kung babaliktarin natin ang katanungan. Ano naman kaya ang nagawa na ngayon ng mga senador na ito sa ating bansa? Parang panay batikos at pagmamasid lang kung kailan magkakaroon ng maling nagawa ang Pangulong Duterte. Sa halip na makipagtulungan para sa ikauunlad ng bansa ay palaging kinokontra ng mga senador na ito ang mga mabubuting layunin ng pamahalaan.

Kung susundin ang boses ng mga mamamayan mas uunlad pang lalo ang Pilipinas kung mawala sa eksena ang mga taong hadlang at palaging tumututol sa kabutihan ng bansa.

Comments

comments

Comments are closed.