#GoodNews: Bataan Nuclear Power Plant muling bubuhayin ng Duterte Administration

0
1994

Suportado ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang panukalang muling buhayin ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) para pagkunan ng dagdag na supply ng enerhiya sa bansa.

Sa ginanap na press briefing sa Malacañang, sinabi ni Lorenzana na wala siyang nakikitang negatibong implikasyon sa plano partikular sa seguridad ng bansa dahil hindi naman gagawa ng nuclear bomb ang Pilipinas.

Malinaw aniya na ang layunin ng panukalang buhayin ang BNPP ay para makapag-generate ng dagdag na supply ng enerhiya sa bansa.

“Wala naman akong nakikitang…dahil it will be just be revived to generate electricity. Hindi naman siguro tayo capable to develop our own nuclear bomb. Hindi naman siguro iyon ang purpose noon,” ani Lorenzana.

Sinabi ng kalihim na malaking bagay kung magkaroon ng dagdag na 2,000 megawatt supply ng enerhiya mula sa BNPP sakaling buhayin ito.

Pero kailangan aniyang matiyak na hindi gagastos ng malaki dahil hanggang ngayon ay ginagastusan pa rin ng gobyerno ang BNPP kahit hindi ito napapakinabangan ng mga Filipino.

“According to some experts na nakausap ko, puwedeng i-revive to produce electricity. And if we can do that, I think it will be good for our people,” dagdag pa ni Lorenzana.

Ang muling pagbuhay sa BNPP ay iminungkahi ng Philippine National Research Institute para pagkunan ng dagdag na energy supply para sa bansa.

 

source

Comments

comments