Hindi namin trabaho ang pabanguhin ang imahe ng gobyerno – Chiara Zambrano, ABS-CBN Journalist

Hindi namin trabaho ang pabanguhin ang imahe ng gobyerno – Chiara Zambrano, ABS-CBN Journalist

116
9837
photo from PEP.ph

Binatikos ni ABS-CBN journalist Chiara Zambrano ang umano’y plano ng pamahalaan na kontrolin ang pamamahayag sa bansa.

Ito ay kasunod ng request ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson na ilagay sa kanyang pamamahala ang online news website na Rappler at hindi sa Malacañang Press Corps.

Iginiit ni Zambrano na hindi trabaho ng mga katulad niyang lehitimong mamamahayag na pabanguhin ang imahe ng gobyerno o sakyan ang kanilang propaganda.

“Bilang mga lehitimong mamamahayag, hindi namin trabaho ang pabanguhin ang imahe ng gobyerno, o ipakalat ang gusto mong propaganda, o ipromote ang trip mo,” ani Zambrano.

Ayon kay Zambrano, tungkulin nila na maging mapagmatiyag sa mga kilos ng pamahalaan at pangyayari sa lipunan.

“Ang trabaho naming lahat, hindi lang ng Rappler, ay walang humpay na pagmamatyag sa mga kilos ng pamahalaan at pangyayari sa lipunan. Ilabas kung ano ang mali, sino ang mali, ipaliwanag kung bakit,” ani Zambrano.

Dagdag pa ni Zambrano, ginagamit lamang si Uson ng makinarya ng pamahalaan na layong patahimikin ang mga journalists.

“Hindi ito kagagawan ni Mocha. Hindi siya ganyan magsulat. Ang nakikita natin ngayon ay ang kanilang makinaryang gumagalaw,” ani Zambrano.

“Ito talaga ay tangkang busalan ang isang lehitimong grupo ng mga mamamahayag,” ani Zambrano.

Basahin ang buong Facebook post ni Zambrano:

“Mga bata, ganito ang itsura kapag sinusubukang kontrolin ng pamahalaan ang mga kilos at galaw ng mga lehitimong mamamahayag.

Nakakainis nga naman siguro pag kinokontra ka palagi, pag hindi kinakagat ang mga alok mong propaganda, at binabasag lagi ang iyong trip. Eto lang po kasi ang problema: bilang mga lehitimong mamamahayag, hindi namin trabaho ang pabanguhin ang imahe ng gobyerno, o ipakalat ang gusto mong propaganda, o ipromote ang trip mo. Ang trabaho naming lahat, hindi lang ng Rappler, ay walang humpay na pagmamatyag sa mga kilos ng pamahalaan at pangyayari sa lipunan. Ilabas kung ano ang mali, sino ang mali, ipaliwanag kung bakit. Ipagbunyi ang gumagawa ng tama, para pamarisan. Ilatag lahat sa taongbayan, para sa oras na kailangan niyong pumanig, tumindig, magdesisyon, kabisado na ninyo at kaya na ninyong panindigan ang sarili ninyong desisyon.

Hindi ito kagagawan ni Mocha. Hindi siya ganyan magsulat. Ang nakikita natin ngayon ay ang kanilang makinaryang gumagalaw. Hindi rin nila ito pwedeng maliitin at palabasing “housekeeping” measure lang, kasi wala naman sa ating pinanganak kahapon. Ito talaga ay tangkang busalan ang isang lehitimong grupo ng mga mamamahayag.

Kaso, bukod sa medyo palyado yung logic at premise ng buong kilos na ito, hindi po talaga pwede yun eh.

“No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press…”

Hindi ko yan inimbento, merong tinatawag na 1987 Philippine Constitution, kung saan naka-base, nakatuntong, at umiikot ang lahat ng ating mga batas.”

source

Comments

comments

Comments are closed.