Hindi pweding i-credit kay Dutere ang pagbabalik ng Balangiga Bells – Risa Hontiveros

Hindi pweding i-credit kay Dutere ang pagbabalik ng Balangiga Bells - Risa Hontiveros

0
1455

Hinaing ni Sen. Risa Hontiveros na hindi umano puwedeng angkinin ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kasalukuyang administrasyon ang kredito sa pagbabalik sa bansa ng Balangiga Bells.

Giit ni Hontiveros na marami nang naunang nagtulong-tulong para kalampagin ang Estados Unidos para isauli ang mga makasaysayang kampana.

Tinukoy nito ang mga dating pangulo, dating mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA), mga tagasulat ng kasaysayan, mga non-government at Filipino-American organization.

“It would be wrong and insensitive for the Duterte administration to claim sole credit for the return of the bells and insist that this was the result of its so-called independent foreign policy,” giit ni Hontiveros.

“It was the people’s strong sense of history and justice that led to the return of the bells not President Rodrigo Duterte’s defeatist foreign policy which has only managed to surrender our sovereignty and territory in the West Philippine Sea,” dagdag nito.

Dagdag ni Hontiveros, kung tumunog noon ang mga kampana dahil sa paglaban sa mga dayuhan, inaasahan umano itong tutunog muli para labanan ang mga patayan at pag-abuso sa karapatang pantao.

“With the return of the bells, it is my hope that they will toll once again, this time in support of democracy and against an aspiring tyrant who has turned the entire country into a “modern howling wilderness” marked by unabated killings and human rights abuses,” ani Hontiveros.

PANOORIN: PAPEL NA GINAMPANAN NI PANGULONG DUTERTE SA PAGBABALIK NG BALANGIGA BELLS, BINIGYANG-DIIN – source

Comments

comments