Hontiveros, Tutulungan si Cherish na magsampa ng Cyberbullying sa mga Nambabash sa kanya?

Hontiveros, Tutulungan si Cherish na magsampa ng Cyberbullying sa mga Nambabash sa kanya

50
1906

Si Cherish Sharmaine Interior, ang babaeng naging viral ngayon sa social media dahil sa video kung saan siya naaktohang sinampal ang isang taxi driver na si Virgilio Doctor ay nahaharap sa siang malaking problema ngayon.

Kahit na humingi na ng kapatawaran si Miss Interior sa mga nagawa niya, siya ay nahaharap pa rin sa isang kaso na finile ni Mr. Doctor. Habang halos lahat ng mga nakakita sa video niya ay nagalit sa ginawa niya, si Senator Risa Hontiveros naman ay handa siyang tulungan na mag- file ng isang cyerbullying case laban sa lahat ng kanyang mga bashers.

ALSO READ: Sorry! Woman Driver Who Slapped Taxi Driver Apologizes, Taxi Driver Files Case

“Naiintinidihan naman natin si Mang Virgilio, at hindi natin kinakampihan si Ms. Interior. Kaso sobra naman ang ilan sa atin kung makapag-bash. Mayroon pang nananakot na rerepyin sya at sasaktan siya pag nakita nila siya. Hindi naman tama yun. Nag-sorry na at handa naman daw niyang harapin yung kaso. Ano pa ba ang gusto nila?”, pahayag ni Senator Risa sa mga reporters.

Ayong kay Hontiveros, ang kanyang opisina ay handang tulungan ang kung sino mang naging biktima ng cyberullying. Matatandaan natin na noong November 2016, ang Akbayan senator ay nag file ng bill na tinatawag na “Tres Marias” kung saan ito ay nagbibigay sa mga kababaihan ng proteksyon laban sa sexual harassment at violence, kasali na dito ang pambu-bully gamit ang social media.

Ipinahayag din ni Hontiveros na humingi ng tulong si Ms. Interior sa kanyang opisina laban sa lahat nang patuloy na namba-bash sa kanya. Dagdag pa niya, nakakaranas daw si Interior ng isang matinding trauma ngayon at kahit na nadeactivate na niya ang kanyang FB account marami pa rin ang gumagawa ng fake accounts gamit ang pangalan niya dahilan para makatanggap pa rin siya ng threats.

ALSO READ: Sorry! Woman Driver Who Slapped Taxi Driver Apologizes, Taxi Driver Files Case

Noong lunes ay ipinahayag ni Mr Doctor na maaring nagalit si Ms. Interior sa kanya dahil sa pag overtake niya. Ayon sa kanya, ginawa niya lang yun dahil isang FX sa likod niya ang ginawa din ang parehong bagay. Humingi na ang taxi driver ng patawad ngunit di pa rin daw tumigil si Ms. Interior sa pagmumura sa kanya at talagang sinampal pa talaga siya. Dahil dito napilitan si Mr. Virgilio na mag file ng kaso laban sa kanya. – source

Comments

comments

Comments are closed.