Narekober ng militar ang mga baril at war material mula sa nadiskubreng imbakan ng armas ng mga teroristang komunista sa Barangay Lipuga, Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Northern Luzon Command (NOLCOM) Acting Commander Major General Andrew Costelo, nadiskubre ang kinaroroonan ng arms cache mula sa natanggap nilang impormasyon sa mga residente.
Kabilang sa narekober ng mga sundalo ay dalawang Bushmaster M16 Rifle, isang Colt M16 Rifle, mga bala at magazine, at tatlong bandolier.
Agad na dinala sa headquarters ng 84th Infantry Battalion sa San Jose City, Nueva Ecija ang mga armas at war material para sa proper documentation at disposition.
Hinihikayat ni Major General Costelo ang mga local government units (LGUs), stakeholders at mamamayan na patuloy na suportahan ang kampanya kontra local communist armed conflict.