Isko Moreno, umaasa pa rin sa boto ni Pangulong Duterte

Isko Moreno, umaasa pa rin sa boto ni PRRD

0
418
Isko Moreno, umaasa pa rin sa boto ni PRRD

Sa kabila nang pag endorso ng partido ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na PDP-Laban kay dating senator at presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ay bukas pa rin sa posibilidad si Aksyon Demokratiko presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno na makuha ang boto ni PRRD.

Ayon kay Moreno, bukas siya sa lahat ng boto na magmumula kahit kanino lalo na kung ito ay galing sa pangulo.

Pero gayunpaman, pumabor man sa kanya o hindi ang boto ng pangulo ay tiniyak ni Moreno na patuloy ang gagawin nilang panunuyo sa tao.

Giit nito, wala siyang planong tumigil at hiniram pa ang kataga ni Kuya Germs na walang tulugan.

Comments

comments