Lacson sa pakikipagpulong ni Trillanes sa mga opisyal ng US: ‘Makabayan ba ‘yan o katrayduran?’

Lacson sa pakikipagpulong ni Trillanes sa mga opisyal ng US: ‘Makabayan ba ‘yan o katrayduran?’

53
904

“Ang tanong d’yan kelan nagsisimula at natatapos ang patriotism ng isang tao at betrayal n’ya?”

Hinimok ni Senador Panfilo Lacson si Sen. Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV na ipaliwanag kung pagiging makabayan o katrayduran ba ang pagtungo nito sa Estados Unidos upang makipagpulong sa ilang opisyal ng bansa.

Kamakailan ay lumipad patungong Estados Unidos si Trillanes  upang makipagpulong sa ilang opisyal ng bansa kabilang si Senador Marco Rubio. Aniya, ito’y upang palakasin ang ugnayan ng Pilipinas at Amerika at idulog ang sitwasyon ng korapsyon at human rights sa bansa.

Kaugnay sa pagbisitang ito ay nagpost ng statement ang senador hinggil sa kanyang pagtungo sa Amerika.

1/6 I would like to confirm the information that I met with senior US gov’t. officials to include Sen. Marco Rubio. pic.twitter.com/41l8OiwFF1

Ayon sa ulat ng Abante Tonite, sinabi ni Lacson na hindi niya kinukuwestiyon ang pakikipagpulong ni Trillanes sa mga opisyal ng Amerika sapagkat batid nitong dati itong sundalo at mabuti ang kanyang layunin.

“May kanya-kanyang paraan tayo ng pagpapa­kita ng patriotism, sa akin lang hindi ko nagustuhan ‘yung parang nagsusumbong ka sa ibang bansa, e puwede namang dito. E dito nga lang andito siya ang sakit na ng ulo ni Presidente (Rodrigo) Duterte,” ani Lacson.

Kamakailan ay naiulat din na ang pagtulak ni Trillanes sa US ay upang pigilan si Pangulong Donald Trump sa pagbisita sa bansa sa ASEAN Summit sa Nobyembre.

Comments

comments

Comments are closed.