Multinational Village sa Parañaque, Nagmistulang Chinese military territory dahil sa rami at mga porma nito

0
21
𝗖𝗛𝗜𝗡𝗘𝗦𝗘 𝗜𝗡𝗩𝗔𝗦𝗜𝗢𝗡!
𝗖𝗛𝗜𝗡𝗘𝗦𝗘 𝗜𝗡𝗩𝗔𝗦𝗜𝗢𝗡!

Sunod-sunod ang mga natatanggap na reklamo ni Sen. Idol Raffy Tulfo mula sa mga homeowners ng Multinational Village sa Parañaque City tungkol sa pagsakop na ng mga Chinese national sa kanilang lugar. Nagmistulang Chinese territory na raw ang kanilang subdivision.

Ang malupit, sa isang nirerentahan nilang bahay halimbawa, nagsisiksikan daw ang hanggang sa 30 Chinese nationals na naninirahan doon.

Marami rin sa mga homeowners ang natatakot at nagtataka kung mga miyembro ba raw sila ng Chinese military dahil sa kanilang asta at anyo — ang gupit ay military haircut at pare-pareho ang kanilang suot na athletic attire tuwing nagja-jogging. Sa gabi, gising daw ang mga ito ng magdamagan.

May duda rin ang mga residente na maaaring may mga POGO nang nagooperate sa loob ng kanilang village.
Ipinarating na raw nila sa presidente ng kanilang homeowners ang kanilang pangamba pero dinededma lang daw sila nito.

Kaya agad namang tinawagan ng Raffy Tulfo in Action ang Presidential Anti-Organized Crime Task Force, National Bureau of Investigation at ang Bureau of Immigration para imbestigahan kung ano ang mga status at ginagawa ng mga Chinese nationals na ito sa Multinational village. Nangako naman ang nasabing mga ahensya na agad nilang aaksyunan ang sumbong. ABANGAN!

Gayunpaman, sa Lunes, Hunyo 3, maghahain ng Senate resolution in aid of legislation si Sen. Idol para imbestigahan ang kasong ito.

Post mula kay Raffy Tulfo in Action fb

Comments

comments