Nanawagan sa publiko sina Sen. Kiko Pangilinan at Sen. Nancy Binay na huwag ng i-bully sa social media si Joaquin Montes, ang viral bully kid na nanakit at nambugbog ng kapwa-estudyante sa Ateneo Junior High School.
“Galit tayo sa isang bully at dapat lang pero sa galit natin ‘binubully’ naman natin siya sa Facebook? So kung ganun ano ang pinagkaiba natin sa kanya?”
“We should never, never become the monster we seek to defeat,” pahayag ni Pangilinan sa kanyang Twitter account. Habang kinokondena ang nangyaring insedente, nadismaya naman si Binay kung paano nagamit ang social media para i-bully si Montes.
“We must condemn all forms of bullying. But what’s bothersome, though, is the vicious cycle of bullying.”
“Bullying does not end by bullying the bully. It only worsens the culture of hate,” ani Binay.
“Nakakalungkot lang dahil ang social media has become infected by hatred. Instead of being an instrument of healing, it has become a place of torment.”
Aniya, mas lalong lalaki ang isyu ng pambubully kung ang mga tao ay ganito rin ang ipapakitang ugali.
“Shaming the bully is not the solution. Let’s strive to heal even the tormentors, and work for a bully-free society,” dagdag ni Binay.
Source: viralpro.net