Sa ika-31 anibersaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Quezon City, pinangunahan ng Pangulo ang pamamahagi ng higit 87,000 ektarya ng agricultural land, kabilang ang 112 ektarya ng Hacienda Luisita na pagmamay-ari ng pamilya ni dating Pangulong Cory Aquino.
“As we highlight our accomplishments and milestones in implementing CARP, let us never lose sight of the primary aim of this program, which is to uphold the welfare of our landless farmers, promote social justice, and attain sound rural development through the equitable distribution of all agricultural lands across the country,” sabi ng Pangulo.
Ayon kay Pangulong Duterte, maituturing ito bilang “greatest abberation” sa land reform program ang hindi pagsama sa Hacienda Luisita, lalo’t marami aniya ang mga indibidwal na nasawi at nagsakripisyo para sa mga lupa na dapat naman talaga ay para sa kanila.
“You know, the greatest aberration of land reform was that the Philippines was declared — the whole of the country — as a land reform program area. But they removed Doña Luisita,” pahayag ng Pangulo.
“Far and in between the years that it was fighting, I mean the tenants, marami ho ang namatay. A lot of people died, invested blood just to realize until late today ‘yung mga lupa na dapat sa kanila,” dagdag pa niya.
Pero nilinaw ng Pangulo na wala siyang anumang sama ng loob sa pamilya Aquino partikular kina dating Pangulong Corazon Aquino at Noynoy Aquino.
“I have nothing against the Aquino family — the two presidents and even their family,” ani Dutetre.
Bukod sa Hacienda Luisita ay mayroon ding 87 ektarya ng lupain mula sa Landbank of the Philippines ang ipinamigay sa mga magsasaka mula sa Regions 1, 2, 3 4 at 4A.
Sinabi ni DAR Secretary John Castriciones na kabuuang isang libong Certificates of Land Ownership Award (CLOA) ang matatanggap naman ng mga benepisyaryo mula sa Concepcion, Tarlac at Siniloan, Laguna.
Ayon sa DAR, kasama sa kanilang gagawin ay ang pag-alalay sa mga benificiary kung paano gagamitin at palalaguin ang lupang ipinagkaloob sa kanila.
Matatandaang iniutos ni Pangulong Duterte kay Castriciones na ibigay sa mga magsasaka ang lahat ng mga lupa ng gobyerno para mapakinabangan ito ng mga mahihirap na Pilipino.