PDP-Laban members gather to show support for Duterte VP run

PDP-Laban members gather to show support for Duterte VP run

0
1097

Walang pahintulot ang liderato ng PDP-Laban sa hakbang ng ilang miyembro nito na humihikayat kay Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo bilang vice president sa 2022 election, ayon kay Senador Manny Pacquiao.

Ito ang reaksyon ni Pacquiao, acting president ng PDP-Laban matapos mabalitaan na nagpulong ang kanyang mga kapartido at nagkaisa para isulong ang pagtakbo ni Pangulong Duterte sa vice presidential election.

“Hindi ko `yan pinapahintulutan bilang acting president ng partido dahil ang focus ng partido ay kung paano pa tayo makatulong sa mga pamilya na nagugutom ngayon,” pahayag ni Pacquiao.”

Ginawa ni Pacquiao ang pahayag matapos ihayag ni Deputy Speaker Eric Martinez, miyembro ng partido, na ilang miyembro ng PDP-Laban ang nagpapaikot ng resolusyon na humihimok kay Duterte na tumakbo bilang vice president sa 2022.

Sabi ni Pacquiao, wala pang lineup ang PDP-Laban para sa 2022 election.

PACQUIAO PUMALAG SA ‘VP’ DUTERTE!

Nagbabala pa si Pacquiao kay Energy Secretary Alfonso Cusi na huwag hatiin ang PDP-Laban.

Opinyon:
Paging @MannyPacquiao is this also not sanctioned?

Comments

comments