Pinatutsadahan ng honorary chairman ng SMNI na si Pastor Apollo C. Quiboloy ang ginagawang propaganda ng mga makakaliwang grupo na pangsisisi sa pamahalaan sa pagkasawi ng brodkaster na si Percy Lapid kamakailan.
Sa isang video ng protesta, makikita na isinisigaw ni Kabataan Partylist Representative Raoul Manuel na wala umanong pinagkaiba si Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang ama na pumapatay ng mamamahayag.
Kaugnay rito, ani Pastor Apollo dapat makulong si Raoul Manuel dahil sa pag-aakusa nito sa kay Pang. Bongbong Marcos sa pagkamatay ng nasabing brodkaster.
“Dapat makasuhan talaga ‘yan, biro mo inakusahan niya, si Marcos daw ang nagpapatay. Harap-harapan ‘yan may video kaya dapat idemenda ng kapulisan. Siniraan nya ang president,” ani Pastor Apollo C. Quiboloy sa akusasyon ni Kabataan Rep. Raoul Manuel.
Ani Pastor Apollo, estratehiya lang ng makakaliwang grupo ang ginagawang pagpapahid ng kasalanan sa gobyerno upang masira ang imahe ng pangulo.
“Yan ang talagang pakay nila kaya nakikita ninyo ang senaryo? Hindi na sila nagtatago marami na ngayon nahahayag na silang lahat. Maliwag na ‘yung siraulo jan, maliwanag na talgang stratehiya nila. Bakit siya lumabas at ngayon sumasayaw sa kanto na si Marcos ang kanyang sinasabing pumatay. maliwanag ‘yan,” dagdag pa ng butihing pastor.
Dagdag pa ng butihing pastor, ginawang sacrificial lamb ang pagkamatay ng brodkaster dahil aniya, makikita na parehas lang ang narrative na ginagawa ng makakaliwang grupo–ito ay upang sirain si Pang. Marcos.
“Trademark nila ‘yan, pinatay si Datu Jarug, sino ang sacrifical lamb? Ako sinira nila ang reputasyon ko. Ganyan ang style ng komunista. ‘Pag di ka nila makuha sa isang bagay sisirain ka,” saad pa ni Pastor Apollo.
Samantala, sigurado naman ang butihing pastor na hindi na malilinlang ang taumbayan sa propaganda ng mga ito dahil mayroong smni na magsisiwalat ng katotohanan.
source: dzar1026 .ph