San Miguel Corporation, Pres. Ramon Ang, nag donate ng 50 units high-class BMW motorcycles sa ating kapulisan

0
532

Nag-donate si San Miguel Corporation (SMC) President Ramon Ang ng 50 units high-class BMW motorcycles sa Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG)

Ayon kay PNP-HPG Chief Supt. Roberto Fajardo, hindi nila alam kung magkano ang halaga ng bawat motorbikes ngunit makikita sa website ng BMW motorcycles na ang halaga ng isang high-class BMW G 310 R motorcycles ay P300,000.

Sabi ni Fajardo, ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ang PNP-HPG ng high-class motorcycles bilang donasyon.

“First time in the sense na BMW ito. Kasi siguro mga 50 years ago pa ‘yung last time na nagkaroon ng BMW ang PNP. We are very thankful for the SMC through Ramon S. Ang for his generosity,” ani Fajardo.

Ang mga motorbikes aniya ay malaking tulong sa kanilang operasyon kapag nagpa-patrol sa EDSA, kung saan gagamitin ito pansamantala ng mga highway patrollers.

Dagdag ni Fajardo na makakatulong rin ito sa seguridad at road safety sa EDSA lalo’t na may kakulangan sa motorbikes ang PNP-HPG.

Ang SMC at BMW Philippines naman ang sasagot sa maintenance ng bawat motorbikes.

source: philnetizens

Comments

comments